Luke's POV
"Nako pasensya na po." Alam ko ang boses na yun, never kong makakalimutan yun. Naka yuko sya habang pinupulot ang mga baso.
"Look at me." Sabi ko. Hindi sya kumilos, at nakayuko lang sya. "Look at me." Sabi ko uli. Pero ayaw nya pa rin ako tingnan, alam nya kaya na ako? Tulad ko din kaya, na-recognize nya ang boses ko kaya hindi sya makatingin sa akin.
Ilang beses kong sinabi na 'Look at me' sa kanya, and when she finally did, napaatras sya at naapakan ang isang baso. Muntik pa syang matumba, maigi na lang mabilis akong kumilos kung hindi natumba na nga sya.
Akalain mo nga naman, nasa sarili ko pang resto nagtatrabaho ang rason kung bakit ako umiwi ng pinas. Tapos kung saan saan pa ako maghahanap.
Ngumiti ako sa kanya, and how I enjoy the look on her face. I'm going to punish her, and I'm going to enjoy this. She shouldn't have left me with just a letter for a goodbye.
I smirk and I just stare at her face, beautiful.
"L-Lu-Luke?" Sabi nya sa akin.
Nilapit ko ang muka ko sa kanya, and I can smell the shampoo on her hair. "We need to talk." Sabi ko habang nakataas ang isang kilay ko. Ng hindi sya nagsalita, ngumiti lang ako at hinawakan sya sa kamay.
"Hey cuz what do you...cuz?" Hindi ko pinansin si Harry at hinila ko palabas si Rain. Hindi ko sya inantay na makipagtalo sa akin at itinulak ko sya sa loob ng kotse ko. Sumakay ako sa passenger seat, nakatitig lang sya sa akin. At ng hindi sya kumilos para ilagay ang seatbelt ay ako na ang nagkusang maglagay.
Hindi pa din sya gumagalaw kahit sobrang lapit na ng muka namin, yung mata nya parang inaaral ang muka ko. I smirk at her again, and when I'm about to move back to my chair, ay bigla nyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Ako naman ngayon ang nagulat. Ng makita kong lumaki ang mga mata nya at lumalabas na ang ngiti nya ay saka nya ako niyapos.
"Hmp."
"Nandito ka. Bakit ka nandito?" Sabi nya sa akin.
"Edi dahil sayo." Nagblush sya at tinanggal ang tingin nya sa akin. "I'm angry." Tumingin sya sa kamay nya na nakapatong lang sa lap nya. "I'm annoyed."
"I'm sorry." Sabi nya lang.
"Do you know why?" Tanong ko. Umiling sya. "Because you did not give me a proper goodbye, and now I'm here because of you." Sabi ko.
"I'm sorry." Sabi nya uli.
"I will forgive you, in one condition." Sabi ko. Mabilis lumingon sa akin ang ulo nya. "I need you to clarify something. Yes or no lang ang sagot."
Nakita ko ang anticipation sa muka nya, ngumisi ako. "Ok."
"Gusto mo ako?" Nanlaki ang mga mata nya at namula ang makabila nyang pisngi.
"Oo." Ngumiti ako.
"Gusto mo ako bumalik sa State?" Tanong ko.
"No." Sagot nya.
"Last question." Sabi ko. "Will you be my girlfriend?"
She gasps and I smirk. She looks like she wants to cry, pagkatapos ay yumuko at hindi ko na makita ang muka nya. Biglang nagtaas baba ang braso nya at alam ko na umiiyak na sya.
"Wh-why me?" Humikbi-hikbi pa sya.
"Because its you, and I want you." Hinawakan ko ang ulo nya, pagktapos ay bumaba ito para hawakan ang baba nya. Tinaas ko ang ulo nya para makita ko ang muka nya na basang basa na ng luha nya. "You're so beautiful. And I love that about you, no matter what you do." Hindi pa rin sya sumagot. "So, will you be my girlfriend?" Tanong ko uli.
She did not answer.

BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
Roman d'amourI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.