RAIN'S POV
"Ayoko nga!" Sigaw ko dahil sobrang lakas ng music na halos mabingi na kame. Nasa bar kase kame sa Vegas dahil binisita namin ang friend namin na si Karen.
"You chose dare! So you have to do it!" Tiningnan ko ng masama ang kaibigan ko. "If I were you I would start looking for a boy to kiss!" Tapos ngumuso-nguso sya na parang inaasar pa ako. "Sya!" Turo nya sa lalake na nakatalikod sa amin. Nakasuot sya ng itim na sweater at may hawak na beer sa kamay.
"Pwede bang ibang dare na lang, baka mamaya sapakin ako nyan!" Sigaw ko. Umiling sya.
"Nope!" Sigaw nya. "It's easy, just grab him and kiss him for one minute or one second! Easy!" Easy for her to say, pag tulog tong babaeng to kakalbuhin ko kilay nya.
Never ko to ginawa sa tanang buhay ko, ewan ba kung bakit ako sumali sa larong yan, ewan din ba kung bakit dare ang pinili ko.
Uminom muna ako ng dalawang shot ng vodka, huminga ng malalim, at nagtungo na sa lalakeng itinuro ni Maya. Lintek bakit ko ba pinagsunod ang inom ng vodka, sakit tuloy sa lalamunan.
Kinulbit ko ang lalake, at ng humarap sya sa akin ay halos hindi ako maka hinga. May tattoo sya sa may leeg at mahaba din ang eye lashes nya, eto yung klase ng lalake na tinatawag ni Maya na 'Pa-fall'. Ang buong pagkatao nya ay sumisigaw ng badboy, playboy, at bad news. Nanlake ang mata ko at tumitig lang ako sa kanya, tiningnan nya ako na parang wala lang. Napansin ko din sa gilid ng kamay nya ang isa pang tattoo.
"Do you need anything!?" Sigaw nito sa akin, habang nakakunot ang noo nya. Napalunok ako at napaisip kung paano ko sya hahalikan.
Napatingin ako sa mga labi nya pagkatapos ay sa mga mata nya. Tumingin ako kay Maya at sa iba naming mga kaibigan at binigyan lang nila ako ng thumbs up, the heck.
"I'm sorry." Sabi ko.
Nagtanto ang mga mata namin, at kumunot ang noo nito. Bago pa sya makapagsalita ay nilapit ko na ang labi ko sa labi nya.
Damn! Kailangan ko pala magstay ng ganito for a minute. Nakakahiya.
Nararamdaman ko na ang pagkainit ng muka ko dahil umiinit na ang tenga ko.
Lasang alak ang labi nya, at may halo ding lemon. Ang lambot ng labi nya at nagiinit na ang buo kong muka.
Ng medyo nakalipas na ang isang minuto, hihiwalay na sana ako kaso hinawakan nya ang bewang ko at hinila nya ako ng mas malapit pa sa kanya. Napahawak ako sa dibdib nya, at napalunok ako.
Eto na yun eh. Eto na yung mapapahamak ako.
Ngumiti sya, yung bang one-sided smile, yun bang signature smile ng mga bad boy kapag may gagawin na silang for sure ikakatakot ng mga babae, or ikakakilig. Tapos yung mata nya parang niloloko ako.
"Oh sweetheart, you dont get to kiss me ang get away with it." Bago ko pa itanong ang ibig nyang sabihin. He crashes his lips in to mine, and OMG!!! He's an amazing kisser. Nanlambot ang lahat ng buto sa katawan ko.
Dapat itulak ko sya. O kaya...o kaya naman saktan ko sya. Pero hindi ako makakilos, dahil nalulunod ako sa halik nya, kung vaccuum sya baka hinigop na ako ng buo nito.
Kinagat nya ang ibabang labi ko at may tunog na lumabas na narinig sa may lalamunan ko. Naramdaman ko ang pag ngiti nya habang hinahalikan ako at mas lalo nya pang diniinan ang pag halik sa akin. He kissed me with hunger, at ng tingnan ko sya sa mata ay nakita kong pinapanood nya ako.
Ng feeling ko hindi ko na maramdaman ang labi ko, pinilit kong itulak sya.
Hawak-hawak ang labi ko, pinanood ko sya habang dinidilaan nya ang labi nya at habang tinitingnan nya ako ng kakaiba, crap bakit nya hinihimas labi nya?
Tumalikod na ako at nagtungo sa table kung nasaan si Maya. Kinuha ko ang bag ko at nagmadaling umalis ng bar.
--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, TO FOLLOW, AND TO COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.