Chapter 32

908 22 0
                                    

Rain's POV

"Oh." Inabot ko kay mama ang regalo na nabili ko mula Vegas. "Happy birthday ma! I love you kahit paminsan walang filter yang bunganga mo." Hinalikan ko sya sa pisngi at niyapos.

"Thank you anak! Suot mo sakin dali para makita ng mga tsismosa nating kapitbahay." Sabi nya.

Nag-roll ako ng eyes at isinuot ang kwintas sa leeg nya.

"Rain." Tawag ni papa.

"Nasa kusina." Sagot ko. Pumasok si papa na mukang nalilito at mukang hindi makapaniwala.

"Oh wow, ang ganda naman nyan." Niyapos nya si mama at hinalikan sa noo."

"Bigay sa akin ng baby girl natin." Tumingin si papa at ngumiti.

"Oo nga pala may bisita ka sa labas, Luke ang pangalan." Nanlake ang mata ko at tumakbo ako papalabas. Ng makarating ako sa may pinto ay hinanap ko sya kaagad, ng mapunta ang mga mata ko kung saan nakaupo sila Harry at mga katrabaho ko ay nakita ko din si Luke na nakikipagkwentuhan kay Harry.

Papunta na sana ako sa table nila ng bigla akong hinarangan ng pinsan ko. "Gem, maigi at nakarating kayo." Sabi ko habang tinitingnan ko si Luke.

"Eto kasing honey ko eh...nagdate pa kase kame. Its not like you can relate." Sabi nya na may nakakalokong ngiti sa mga labi nya.

"Wow, congrats pinsan." Sabi ko. Papalaalis na sana ako kaso binuksan nanaman nya ang bibig nya.

"Kelan ka ba magkakajowa pinsan?" Huminga ako ng malalim.

"It's none of your business, pinsan." Diniinan ko ang pagkakasabi ng pinsan.

"Rain." Lumingon si Gem sa likod nya at nakita ko kung paano nagbago ang expression nya nung magka face to face sila ni Luke. Ngumiti si Luke sa kanila pero ang mata nya ay nakatingin sa akin, lumapit sya sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi. Lahat ng tao ay nagtingin sa kanya, at sa akin.

"Sino ka?" Tanong ng pinsan ko at ngumiti lang si Luke.

"Hello po tita, happy birthday po." Sabi ni Luke. Inaabot ni Luke ang regalo nya kay mama.

Si mama naman mukang natahimik ang nakatitig lang sya kay Luke.

"Ma, Pa si Luke po pala." Sabi ko.

"Manliligaw po ni Rain, kung ok lang po sa inyo." Pagpapaalam nya.

Hindi na nakaimik si mama at tumango na lang. Si Papa naman panay ang tingin sa akin then kay Luke.

"Tito?"

"Ah oo ba pwede kung ok lang kay Rain." Sabi nito. Tumngin sa akin si Luke at ngumiti.

"Wait, wait. Manliligaw ka ni Rain?" Tanong ni Gem.

"Yup, nice meeting you." Sabi naman ni Luke.

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon