Rain's POV
Saturday.
Today is the day.
Ano nga bang 'the day' yun, today na makikilala nila mama si Luke. Today na baka may magawa akong kagagahan. Ayoko pang bumangon dahil iniisip ko pa ang mangyayari ngayong araw, pero naririning ko na ang mga galawan sa baba, ang mga usapan at ang mga kalampag ng mga kaldero at ng iba't iba pang mga bagay sa baba.
"Rain!" May kumatok sa may pinto.
"Pasok!" Sabi ko. Pumasok si Maya na nakabihis at nakaayos na. "Ano ka? Ang aga-aga nambubulabog ka."
"Hoy, tanghali na kaya. Saka sabi ni tito bumangon ka na daw at kukunin pa natin yung cake ni tita." Humikab ako at bumangon na. "Oo nga pala, diba inimbitahan mo si Luke?" Tumango ako. "Tapos nandyan pa pinsan mo." Alam ko na sasabihin nya, that's probably one of the reason that I invited him, dahil gusto kong makita kung mabilis ba syang mahulog sa katulad ng pinsan kong medyo kulang sa attention.
"Alam ko na sasabihin mo, wag mo na ituloy." Lumapit sya sa akin.
"Eh kamusta naman nung nakita mo yung lalake na yun?" Tanong nya.
Kamusta nga ba? Parang wala naman akong naramdaman, siguro inis lang.
"Wala naman." Sabi ko.
Nagmadali akong magbihis at nagtungo na para kunin ang cake ni mama. Nakasalubong ko si papa at tito na May dala-dalang letson.
"Kukunin nyo na ang cake ng mama mo?" Tanong nya.
"Yup, may kailangan pa kayo habang nasa labas kame ni Maya?" Napaisip saglit si papa.
"Hmm...Wala pa akong maisip, text na lang kita mamaya." Sabi nya.
"Ok." At dumaresto na sya sa kusina At kami naman ni Maya ay nagtungo na palabas, at ng napatingin ako sa May gilid ng bahay ay nakita kong naglalandian si Gem. Nakaupo sya sa lap ng jowa nya habang may binubulong o kaya naman kinakagat yung tenga nito.
"Eewww!!" Sigaw ni Maya. Napatingin sa amin sila Gem at napatingin naman ako kay Gem. "Ang daming tae sa paligid."
Bago pa man ako makasagot ay hinila na ako papalayo ni Maya.
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
عاطفيةI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.