Chapter 2: PD nim

22 5 0
                                    

Tinititigan niya ako, ilang beses ako'ng lumunok at mas dumami pa ang tao nung nag fourth floor kaya pumagitna ako sa dalawang lalake.

Napakagaling!! Sa lalake pa ako pumagitna! Pwede naman sa babae nalang, juskooo!!!

*Bling!!

Tunog ng elevator, sixth floor.

"Excuse me, padaan." Sabi ko dahil sobrang sikip! Agad naman ako naka labas ng elevator.

"Saan naman kaya yung baklang yun!" Singhal ko dahil hindi ko alam kung saan ko siya pupuntahan. Nakita ko si Jiji yung assistant ni Jefferson, tinawag ko agad ito.

"Oyy! Kamusta kana, tagal natin 'di nag kita." Sabi niya sa'kin ng makalapit ako sa kanya.

"Ahh, tagal na din kase nung nag resign ako, ikaw kamusta kana?!" Sabi ko sa kanya, hinawakan niya ang tiyan niya.

"Eto, magiging nanay na. Hahaha!" Sabay bumilog ang mata ko at bibig ko.

"Hala, totoo?!" Tanong ko, tumango naman ito ng naka ngiti. Tumalon-talon ako ganon din siya. "'Oh, oh yung baby mo!" Sabi ko dahil tumatalon din siya, huminto ito sa pag talon.

"Ninang ka 'ha!" Aniya, ngumiti naman ako.

"Oo naman! Ako ang pinaka magandang ninang niya! Hahaha! Grabe, parang dati lang sabay pa tayong nag ba-bash sa mga lalake!"

"Oyy! Almost six years na yun! Mag reresign na din ako kase ikakasal na ako. Tadah!" Aniya sabay angat ng kamay niya, kita ko agad ang kumikinang niyang singsing!

"Grabe! Pinag pala ka talaga! Gusto ko ng umiyak!" Masayang sabi ko, tinapik niya ako sa balikat. Grabe! Hindi naman ako yung buntis tsaka ikakasal pero kinikilig ako, hindi naman porket man hater ako 'eh ibig sabihin hindi na ako magiging masaya.

"Someday mararanasan mo din 'to, may mag mamahal din sayo--"

"Sino?! Sarili ko, nako alam ko na yan!"

"Hahaha! Ikaw talaga! Basta hindi ka mawawala sa kasal ko tsaka sa binyad 'ha!" Sabi niya, mas lalong tumalbog ako puso ko dahil ikakasal na talaga siya!!

"Isama mo na din si Shane--"

"Yung kaibigan kong napaka ingay! Nako, nako! Hahahaha!" Sabay kaming tumawa, may inabot siya sa'kin na maliit na papel taka ko naman yung kinuha.

"Alam ko naman si Mr, Alfonso ang sinadya mo dito, hinahanap ka din niya. Sige alis na ako." Sabi niya, niyakap ko muna siya bago tumango.

"Congrats! I'm so happy for you!" Sabi ko, nag pasalamat siya sa'kin saka na siya umalis. Hinanap ko yung bagong office ni Jefferson, wala na siya sa dati niyang office at yun ang sabi sa'kin ni Jiji.

*Knock! *Knock!

Katok ko dito, bigla naman bumukas ang pinto dahil may lumabas na babae.

"Kanina ka pa niya hinahanap." Sabi sa'kin ni ate girl! Ngumiti naman ako sa kanya saka pumasok.

"Nakakaloka! Anong oras na!" Natawa ako sa sinabi ni Jefferson, tinanggal ko yung bag ko saka inilapag iyon sa upuan.

"Taray, ganda na ng opisina natin 'ha." Sabi ko sa kanya, tumayo siya mula sa kinauupuan niya saka malanding tumakbo papunta sa'kin at niyakap ako pero agad ko itong tinulak palayo.

"Bakit namiss lang kita gaga!" Aniya habang naka nguso! Niyakap ko ang sarili ko.

"Bakla ka! Namboboso ka!" Sabi ko, yumakap din siya sa sirili niya gaya ng ginawa ko.

The Savage ManWhere stories live. Discover now