Hinihintay ko si Yoongi ngayon dahil ako ang kasama niya sa gagawin niyang music video.
Habang hinihintay ko si Kojic sa dress room tumingin ako sa salamin. Mukhang walang balak humingi ng sorry yung lokong yun dahil sa ginawa niya sakin. Hindi naman ako nagalit dahil sa ginawang pag hila niya ng bag. Nagalit ako dahil bakit kailangan niyang ipahiya ako sa napakadaming tao at mismong sa harap ng mga kaibigan niya pa. Aba loko siya!
Bumukas ang pinto kaya napairap na naman ako saka ko hinawi ang buhok ko at nilagay iyon sa likod ng teinga ko.
Nakangisi siyang tumingin sakin. Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil sa itsura niya. Tumalikod nalang ako tutal mamaya pa naman ang alis namin kaya nag hanap ako ng gagawin ko.
May nakita akong card at dahil mahilig akong at magaling akong gumawa ng house of cards.
Kinuha ko iyon saka umupo at sinimulang gawin. Nasa pang anim na layer, nakita ko siya sa gilid ko at hindi ko naman siya pinansin kase kapag pinansin ko naman siya baka mamaya kung anong masabi ko.
"Ano yan?" Dinig kong tanong niya.
Napairap ako habang tinutuloy yung ginagawa ko. "Ano paba?" Sakrastikong sabi ko.
"Ano nga?!" Hindi niya ba alam yung tawag dito?!
"GM!" Natatawang sabi ko.
"Anong GM?" Tanong niya natawa naman ako saka tumingin sa kanya.
"Google mo." Saad ko saka ulit bumalik sa ginagawa ko. Narinig kong bumulong siya.
"GM pala ah." Bulong niya pero di ko nalang siya pinansin. "Kuha mo nga ako ng tubig." Saad niya napahinto naman ako sa ginagawa ko at nakangangang tumingin sa kanya.
"May paa ka naman diba?" Sakrastikong tanong ko. Ngumiti siya ng maluwag kaya nakita ko na naman yung gilagid niya.
"Gusto ko ikaw kumuha." Saad niya. Inis akong napatayo at seryosong tumingin sa kanya.
"Wag mong gagalawin yan." Seryosong sabi ko.
Ngumiti siya. "Promise." Aniya.
Nag lakad ako papunta sa isang kwarto at kumuha ng tubig. Hindi ko maabot yun dahil sobrang dami neto. Kinailangan kopang tumingkad at shempre naabot ko naman ang kaso may nalaglag na isang tubig at shempre shunga ako kaya nalaglag sa ulo ko.
Hindi naman iyon masakit. Pinulot ko iyon saka nag madaling bumalik halos napanganga ako dahil nakita kong ang kaninang seven layer at ngayon bumagsak na lahat.
Lumapit ako sa kanya.
"Diba sabi ko wag mong gagalawin? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.
Kinuha niya yung tubig saka ngumisi sakin. "Google mo." Aniya saka nag madaling lumabas.
Nilapitan ko iyon saka tinignan at wala ng pag asa dahil bumagsak na lahat.
"Grrr!! Badtrip ka talagang Kojic ka!" Inis na sigaw ko.
Masisiraan ako ng bait sayo!!!
..........
"Anong music video ba yung gagawin niya?" Tanong ko kay Dhin habang hinihintay pa namin yung ibang staff.
Si Dhin lang daw tsaka ako ang kailangang sumama kay Kojic at shempre may iba din staff. Si Dhin lang ang make-up artist na sasama dahil siya lang naman ang personal make-up artist ni Kojic habang ako naman ay e-epal lang hahaha.
"Agust-D." Saad niya habang may tinitignan yung cellphone niya. Tumango nalang ako.
May nakita na akong mga staff na nag sisi-datingan na. Sinabi sakin ni Dhin na sumakay na kami sa van kung saan sasakay si Yoongi. Medyo kabado pa ako pero kailangan kong gawin ko kase trabaho ko nga to.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI