"Oh pack up na tayo!" Sigaw ng Photographer nila. Habang nililigpit ko yung mga gamit ko nakikita kong tinatarayan ako ng photographer kapag nadadaanan niya ako.
Oyyy.. alam na.. hahahahaha!!
"Aubrey, dalian mo at baka maiwan ka nanaman." Natatawang bulong sakin ni Sarah. Natawa ako dahil sa sinabi niya.
Binuhat ko na lahat ng gamit na dinala ko tsaka tinulungan kona din si Sarah para sa mga dala niya. Nag titilim na din kaya hindi na sila makakapag photoshot.
Habang nag lalakad ako hindi makita ng dalawa kong mata ang mga mababait kong amo. Kahit na mag palinga-linga pa ako hindi ko parin sila makita kaya napa nguso nalang ako.
Pasakay na kami sa van na sasakyan para sa mga make-up artist pero may biglang lumapit samin na may dalang isang camera at may pinakita saming picture nila Yoongi na kinuhanan kanina.
Yan yung pinakita samin ng lalaking may dalang camera. Napa ngiti ako kase gusto kong matawa sa pose ni Yoongi. Napaka misteryoso talaga ng taong yun, biruin mo saka nilang lahat siya lang ang naka higa ang pose.
Pinasok na namin ni Sarah yung mga gamit na dala namin. Unang pusok si Sarah tsaka ako ang kaso sa sobrang daming gamit nawalan na ako ng upuan.
Tumayo si Sarah ng makita niyang wala akong uupuan. "Dito ka nalang." Sabi niya pero umiling ako.
"Hindi na, hahanap nalang ako ng ibang sasakyan na may bakanteng upuan." Sabi ko saka bumaba pero tumingin siya sakin.
"Sigurado ka?" Kita ko ang pag alala niya kaya ngumiti naman ako sa kanya.
"Oo, sige na hanap nalang ako." Naka ngiting sabi ko, kita ko ang pag aalala sa mukha nila kaya mas lalo kong nilakihan ang ngiti ko saka ko sinara ang pinto ng kotse habang kumakaway saka nila.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil lahat ng van naka sara na kaya napa kamot nalang ako sa noo ko saka ako lumapit sa isang van na naka bukas. Ngumiti ako sa isang staff nung makita niya ako.
Bumaba siya ng van saka lumapit sakin. "May naka limutan ba tayo?" Tanong niya, umiling ako.
"May bakante pa po ba kayong upuan dyan?" Tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa loob ng van saka tumingin sakin.
"Nako, wala ng bakante eh." Pa iling-iling na sabi niya. "Pero may isang kotse don. Kita mo yung sasakyan na yun?" Turo niya sakin ng isang kulay itim na kotse tumango naman ako. "Don ka nalang sumakay."
Naka hinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Tumango ako sa kanya saka na siya sumakay sa van. Habang nag lalakad ako napapa pikit na ako dahil sa sobrang antok at pagod.
Binuksan ko yung kotse saka bagsak balikat na sumakay don. Pinatong ko yung ulo ko yung ulo ko sa sandalan ng kotse, habang naka patong yung ulo ko dahan-dahan kong inaayos yung buhok ko. Nasanay kase ako na para ma relax ako inaayos ko yung buhok ko habang naka pikit.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI