Binuksan niya ang pinto ng kotse niya. Gustong-gusto kong ginagawa niya 'to sa'kin kase pakiramdam ko prinsesa ako at siya ang hari ko.
Shet na malagket! May pa ganon!
Bumaba ako ng kotse at hindi pinapa halata na kinikilig ako. "Thank you." Saad ko nung maka baba ako. Humarap ako sa kanya, jusko. Yung ngiti na naman niya ayan na naman, ilang araw ko ring hindi nasilayaan ang mukha niya.
Hinawakan niya ang kamay ko, naramdaman ko na unti-unti na namang nag simulang mamula ang pisngi ko.
"Hindi parin ako maka paniwala na tayo na." Nakangiting sabi niya, hinawakan ko ang kanyang pisngi gamit ang isa kong kamay.
"Mas hindi ako makapaniwala na kami na ng lalaking unang unang nag sungit sakin." Natatawang sabi ko. Natawa naman siya saka hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Susunduin kita bukas." Takang kumunot ang kilay ko.
"Bukas? Eh bukas yung concert niyo hah?" Takang tanong ko sa kanya.
"Basta, bukas ng umaga susunduin kita."
"Pero—"
Natigilan ako nung bigla niya akong halikan sa labi, nanlaki ang mata ko at nag simula na namang mamula ang pisngi ko. Smak lang ang ginawa niya pero bumakas ang labi niya sa labi ko.
Nakangiti niyang nilayo ang mukha niya. "See you tomorrow sweetheart." Nakangiting sabi niya saka pumasok na ng kotse at pinaandar na ito palayo. Habang ako gulat parin sa ginawa niya.
Kinikilig ako!
Pilit kong hindi sumigaw dahil sa kilig kaya tinakpak ko nalang ang bibig ko saka sumigaw at nag tatatalon. Feeling ko mag lilindol dahil sa sobrang lakas ng talon ko.
Tinawag niya akong sweetheart!!
..........
"We kayo na—" Bago pa sumigaw si Shane agad ko ng tinakpak ang bibig niya gamit ang kamay ko.
"Shh.. ang ingay mo, baka mamaya magising si mama." Pag bawal ko sa kanya saka dahan-dahang binaba ang kamay ko. "Wag kang maingay, hindi kopa nasasabi kay mama." Nakangusong saad ko, hindi kopa nasasabi kay mama na kami na ni Yoongi baka kase mamaya mag pa fiesta siya sa sobrang saya.
Kilalang kilala ko iyon. Nanay ko iyon eh.
"Sinagot mona!!" Daig niya pa ako kung makatili, nag mistulang papel na nilulukot ang mukha ko.
"Hehe.." Kunwari akong natawa. "Pusta ako isa ka sa kasamang pumlano dun sa mall noh?" Nag cross arms pa ako. Akala niya hindi ko siya mahahalata kanina kopa siya nahalata nung umalis siya tapos saktong kapag uwi ko tinanong niya agad kay mama kung nag kita ba kami ni Yoongi. Tse, style niya!
"A-ahh.. e-ehh.." Dahan-dahang tumaang ang kilay ko.
"Tse, wag kana mag palusot." Saka ko siya inirapan, tumayo ako saka tumingin sa salamin. "Pero alam mo.." Saad habang tinitignan ang mukha ko.
"Ano yun?" Dinig kong tanong niya.
"Tinawag niya ako ng sweetheart.." Kinikilig na sabi ko habang hinahawi ko ang aking buhok. Gulat akong napapikit nung biglang humawak sakin si Shane.
"Ihh.. Ang sweet naman.." Pabato akong tumingin sa kanya. Daig niya pa ako kung kiligin.
"Pero mas sweet ka." Asar ko sa kanya saka, natawa naman siya saka niya inalis yung braso niya sa balikat ko.
"Kwento mo naman sa'kin kung anong nararamdaman mo kanina." Tanong niya sakin, umupo ako sa kama at agad naman siyang sumunod sakin.
"Alam mo yung parang nakahiga ka sa cloud nine." Natatawang saad ko habang binabalikan ko yung eksena kanina. "Ngayon ko lang naramdaman 'to." Saad kopa.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI