Panibagong araw panibagong utos— este panibagong pahinga! Sawakas day off kona at take note ako lang mag isa walang mga amo walang utos.
Pero bago ako aalis pinagluto ko ang mga amo ko ng special sinigang ko! Dahil buong araw akong wala sa tabi nila at wala silang uutusan.
Nilagay kona sa pitong lunch box yung mga niluto kong ulam para saka nila. Nilagyan kopa ng mga smiling face yung mga lunch box para cute hehe.
Una akong kumatok sa kwarto ni Yoongi tutal siya ang pinaka malapit na kwarto sakin. Naka ilang katok na ako pero wala paring sumasagot hanggang sa maaalala ko na may pinuntahan pala sila kaya binuksan kona yung pintong may naka sulat na. GeniusLab
First time kong pumasok dito kaya medyo kabado ako. Bumungad agad sakin ang maraming screen. Hindi ko nalang pinaka titigan ang lugar na to pinatong kona yung lunch box sa lamesa, may napansin akong isang jacket na itim na naka patong din to tsaka may naka sulat na.
To: A
Malamig sa labas at baka hindi nanaman kayanin ng tingting mong katawan, ienjoy mo ang day off mo.
From: S.M :)Napa ngiwi ako dahil may naalala ako dun naka sulat pero hindi ko nalang yun pinansin saka lumabas na ako ng kwarto niya. Lahat ng pag kain na niluto ko ay nahatid kona sa kani-kanilang kwarto kaya pabalik na ako ngayon sa kwarto ko para maligo at para maka bihis na din.
Pag pasok ko ng kwarto ko agad akong dumaretso sa bangyo para maka ligo na ako. Ilang pang saglit lumabas na ako ng banyo habang nag pupunas ng buhok.
Taka akong napa tingin sa kama ko ng may makita akong isang itim na jacket na naka patong don. Kinuha ko iyon pero tinabi ko lang sa lamesa.
Sino kayang nag bibigay neto.
Tanong ko sa isip ko dahil medyo kinakalibutan na ako dahil napapadalas ang padala ng mga gamit dito sa kwarto ko.
Napa ngiti ako dahil sawakas hindi ko muna susuotin ang baduy na pink dress na uniform ko. Nag pantalon ako na may punit sa kaliwang tuhod at nag puti akong damit panloob tsaka nag jacket na makapal. Kinuha ko yung bag ko sa ibabaw ng lamesa tsaka na ako lumabas.
Kapag lock ko ng kwarto ko sakto namang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ng jacket ko.
New Message Received
From: Jimin
Good morning Madam P.A ;)
alam kong day off mo ngayon kaya
have a good day. Thank pala sa
sigang na pinadala mo ang sarap :P
6:47amNapa ngiti ako dahil sa text ni Jimin. Binulsa kona yung cellphone ko saka tuluyan na akong nag lakad palabas.
Habang nag lalakad ako may mga taong ngumiti sakin at nag ba-bow kaya ganon din ako.
Una kong balak puntahan yung kaibigan ko dito sa korea sa kanya din ako tumira noon nung nag tatrabaho pa ako dati dito.
Alasais na nga umaga pero medyo madilim-dilim pa sa kalsada tsaka ang lamig. Dumaan muna ako sa convenience stores para bumili ng kape dahil ang lamig. Bumili ako ng kape tsaka ko iyon dinikit sa mag kabilaang pisngi ko para naman mainitan din iyon kahit paaano.
Trip kong mag lakad ngayon dahil gusto ko bawat kanto ng lugar na to ay nakikita ko. Alam ko naman ang lugar na to shempre dati na din akong naka punta dito at puro gala lang ang ginawa namin dati dito ni Shane.
Lumiwanag na din sa wakas at dumadami na din ang tao. Habang nag lalakad ako may nakita akong mga grupo ng babae sa harap ng store at nag sisigawan.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI