Chapter 22: Suran is coming

15 6 0
                                    

JIMIN'S POV

"Madam P.A ayos kana?" Tanong ko sa kanya dahil naka talukbong ng kumot ang buong katawan niya, mas iisang araw na din siyang may sakit. "Busog kana ba?" Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya pero miski tango eh wala akong na tanggap.

Kami lang dalawa ngayon sa kwarto niya dahil sabi niya ako lang ang pweding pumasok. Miski sila Shagella hindi pweding pumasok.

Inayog-ayog ko siya. "Madam P.A, gising kapa ba?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Dahan-dahan kong tinaggal ang kumot na kanina pa naka talukbong sa kanya.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong giniginaw na siya. Agad akong napa hawak sa kamay niya at sobrang init non kaya nag hanap pa ako ng extrang kumot pa at agad iyong tinalukbong sa kanya. Iniupo ko siya para mas mabalutan ko siya ng jacket at para hindi siya lamigin.

"Dyan ka lang, tatawagin ko sila." Sabi ko sa kanya pero bago pa ako maka tayo naramdaman ko na pinigilan niya ako kaya napalingon ako sa kanya.

"W-wag kang aalis..." Saad niya, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit para hindi siya lamigin.

Kinuha ko yung bimpo na naka babad sa maligamgam na tubig at piniga iyon saka dahan-dahan kong inilagay iyon sa noo niya. Kita kong na nanunuyo na ang labi niya.

Naramdam na ako ng gutom pero hindi ko nagawang iwan siya baka mapano siya.

Nakita kong tumingin siya sakin. "Kumain kana muna tsaka mag pahinga ka mukhang nagugutom kana." Napangiti ako dahil nakita kong ngumiti siya.

"Hindi pa ako nagugutom." Saad ko pero sakto namang tumunog ang nag wawalang sikmura ko kaya natawa kaming dalawa.

"Hindi nag sisinungaling ang tiyan." Saad niya, tumayo na ako dahil ginamitan niya na ako ng sarili kong linya.

"Mag papabili nalang ako ng pagkain ko para sabay tayo, may gusto kabang kainin o inumin?" Tanong ko sa kanya.

"Vanilla coffee nalang sa akin." Nakangiting sabi niya.

"Ay! Ay! Sa ngayon ako na muna ang magiging P.A mo." Biro ko sa kanya natawa naman siya. Kahit papaano nakakatawa na siya hindi tulad kanina halos galawin ang kamay niya hindi niya magawa.

"Ikaw talaga, sige na chupi!" Biro niya sakin saka sumesenyas na lumabas na ako.

Kinindatan kopa siya bago ako lumabas, hindi ko din alam kung bakit ako lang ang pinapasok niya sa kwarto niya at hindi kona din natanong.

Nag half time ako kanina pag katapos naming kantahin yung 'The Untold Truth.'

Pag ka pasok ko sa dance studio puro staff agad ang bumungad sakin, hinanap ko sila Jungkook pero wala sila sa loob. Kibidbalikat nalang akong lumapit kay Shagella.

Sinabi ko sa kanya na bumili siya ng pag kain tsaka dalawang vanilla coffee.

Habang nag hihintay ako sa loob at nag tu-tweeter ako may narinig akong ingay sa labas kaya binulsa ko muna yung cellphone ko at takang lumabas.

"Jimin!!" Parang biglang umurong ang dila ko sa biglang pag yakap sakin ni Suran.

Ngayon pala ang uwi niya, nakalimutan ko dahil mag damag ako nasa kwarto ni Madam P.A, tsaka ngayong araw din pala ang uwi nila Hyung Suga. Kaya ibig sabihin...

Mag kikita sila..

"S-suran.." Utal na sabi ko, medyo matangkad ng konti si Suran kumpara sakin. "W-welcome back to korea." Saad ko, pinaalis niya muna ang mga kasama niya bago siya mag salita.

The Savage ManWhere stories live. Discover now