Chapter 42: Tampuhan

19 2 0
                                    

Ilang beses ko ng itext at sinubukang tawagan si Yoongi pero laging naka patay yung cellphone niya. Ano na kayang balita sa kanya. Pati narin si Jungkook sinubukan kong tawagan pero wala rin.

Isang araw ang nakalipas nung huli kaming mag usap ni Yoongi. Nakakainis isipin na huli kaming nag kita eh nagalit pa siya. Hindi kona alam kung anong papasok sa isip ko, kung galit ba siya sakin o baka naman busy lang siya.

Na gi-guilt na ako. Hindi ko naman alam na ganon yung mangyayari sa simpleng pag sama ko lang kay Jade. Hays, ano nang gagawin ko.

"Oh dyan ka nalang?" Napalingon ako kay Shane nung mag salita siya. "Hindi ka paba tatayo?" Tanong niya, tumango ako saka tumayo.

Pauwi na kami kase maayos na yung pakiramdam ko at ayoko din naman mag tagal dito lalo't na nababaliw na ako kakaisip kung nasaan naba si Yoongi.

"Dahan-dahan." Napairap ako nung sabihin yun ni Shane. Tumingin ako sa kanya na may halong ngisi. Natigilan naman siya.

"Ang sweet mona talaga hah." Nakangising ani ko, pinitik na naman niya yung noo ko kaya inis akong napahawak don.

"Matagal na kong sweet kaya pumasok kana!" Aniya, inirapan ko siya saka na pumasok ng kotse. Kapag upo ko palang nag tama na agad ang tingin namin ni Jade sa rear-mirror. Agad niyang iniwas ang kanyang tingin. Kami lang dalawa ngayon ni Shane kase may lakad ngayon si mama dun daw sa business niya. Maganda nadin yun para kay mama para naman malibang-libang siya kahit papano.

"Wait!" Napatingin ako kay Shane nung bigla siyang mag salita. Nakatingin siya sa cellphone niya na mala hindi niya alam kung anong gagawin niya.

Nababaliw na naman siya.

"Aubrey, maiwan na kita—"

"Ano?!" Gulat na tanong ko.

Napakamot siya sa noo niya. "Yung tita ko kase manganganak na." Aniya pa. "Please..." Bumuntong hininga ako saka dahan-dahang tumango.

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi kaya kumunot ang noo ko. "Bye Macoy, sige!" Aniya saka na lumabas.

Ayan naiwan na naman akong mag isa. Grabe! Ang galing talaga ng best friend ko, kung pwede ko lang siyang koronahan jusme kinuronahan kona siya ng 'Most mapang iwan friend' hays!

Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya napatingin ako kay Jade. Nakatitig siya sakin mula sa rear mirror.

"Hindi paba t-tayo aalis?" Ilang na sabi ko.

"Hanggang hindi ka lilipat ng upuan." Nakangiting aniya, taka naman akong napatitig sa kanya.

"Hah?"

"Mag mumukha akong driver mo kapag dyan ka nakaupo." Dahan-dahan akong napatango dahil na gets kona ang kanyang gustong sabihin.

"Hindi ba pweding dito nalang ako?" Tanong ko pero umiling siya kaya bumuntong hininga ako saka bumaba ng sasakyan. Kapag baba ko ng sasakyan bigla akong natigilan dahil may nakita akong lalaki na naka salamit at nakatingin sakin. Bigla akong kinilabutan, bakit parang lately ata lagi akong nakakakita ng lalaking naka salamin.

Creepy..

Binuksan kona ang pinto ng kotse saka pumasok. Walang gana akong tumingin kay Jade. "Ayos na?" Sakrastikong tanong ko, nakangiting tumango naman siya. "Tse.. lakas talaga mang asar.." Bulong ko.

Pinaandar niya na yung sasakyan. Tahimik kaming nag byahe dahil wala ako sa mood makipag usap lalo na kapag pumapasok sa isip ko si Yoongi. Nababaliw na ako dahil sa lalaking 'yun, pakiramdam ko mahihiwalay yung ulo ko. Grr! Nasaan na kaya siya? Ayos lang kaya siya?

The Savage ManWhere stories live. Discover now