AUBREY DEI'S POV
Now playing: Can't help falling inlove with you.
(Try niyo iplay yan habang binabasa tong part na to hehe.)
A-ano daw? G-gusto ako ni Yoongi? Pero paano? Teka, teka. Panaginip lang ata ang lahat ng to. Nananaginip lang ata ako. Pero hindi! Gising ako at alam kong sinabi niya iyon sakin.
Bakit ako, hindi ako maganda hindi ako matalino at mas lalong hindi ako sexy este sexy pala ako pero hindi ako yung tipo ng isang MIN YOONGI. ang tipo ng isang Savage man ay si yung tipo ni Suran! Nakakainis bakit ganto, sobrang bilis ng puso ko. Mababaliw ako.
Pero kinilig ako sa sinabi niya parang tumalon na naman ang puso ko!
"H-hoy a-ano na namang trip mo ha!" Sabi ko.
Nababaliw na siya. Bakit ganto, parang sobrang saya ko dahil parang pakiramdam ko mahal din ako ng taong gusto ko. Nakakainis.
"Ang dami kong sinabi yan lang ang sasabihin mo?" Nakangusong sabi niya.
Wala akong masabi dahil natatameme ang puso't isipan ko dahil sa lahat ng sinabi mo. Nakakainis.
"B-bakit ako? Sa sobrang daming babae dito sa mundo bakit ako?" Tanong ko sa kanya.
"Sabihin na natin sa dami ng tao dito sa mundo sayo tumigil ang mundo ko kaya ikaw ang minahal ko."
Yun! Tagos, bakit ganto mukhang sasabog ang puso ko. Alam kong Man Hater ako at aminado ako don pero tao din ako may puso ako kaya dapat lang siguro na nararamdan ko to. Kinikilig ako. Nakakainis.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ko.
"Because I chose to love you in silence because in silence i feel no rejection."
May pa english si dudong!
"Pinangunahan mo agad ang nararamdaman ko." Sabi ko.
"Bakit ano bang nararadaman mo?" Tanong niya.
Natawa ako. "Google mo." Natatawang sabi ko.
Bumagsak naman ang balikat niya. Bumitaw siya sa kamay ko saka tumalikod sakin at nag lakad paalis.
Nawala ang tawa ko, agad akong sumunod sa kanya at hinawakan siya sa braso dahilan para matigilan siya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Aalis na." Sabi niya.
"Bakit? Hindi mo ba hihintayin ang sagot ko?" Natigilan siya lalo dahil sa sinabi ko.
Humarap siya sakin. "Alam kona naman eh." Aniya.
"Ano?" Tanong ko.
"Ayaw mo sakin kase lagi kitang inaasar. Hindi mo ako mahal." Natawa ako ng bahagya dahil sa inasal niya.
"Pinangunahan mo na naman ako." Nakangusong sabi ko. "Hoy. Tumingin ka sakin!" Saad ko dahil hindi siya tumitingin sakin.
Tumingin siya ng daretso sa mata ko pero agad niya iyong iniwas kaya mas lalong lumuwag ang ngiti ko.
"Mahal din kita."
Oo tama. Mahal ko siya at hindi ko din alam kung bakit ko siya mahal. Basta mahal ko siya yun na yun.
Mahal ko yung lalaking epal sa buhay ko. Yung lalaking naiinis ako sa twing ngingisian niya ako. Yung lalaking naiinis ako sa twing tatawagin niya ako. Yung lalaking napasungit. Yung lalaking laging nang aasar sakin. Yung lalaking sa twing nakikita ko eh gusto ko ng sapakin. Yung lalaking susulpot nalang kapag hindi ko inaasahan. Yung lalaking nag papadala ng paborito kong kape.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI