AUBREY DEI'S POV
Naramdaman ko ang sinag nang araw na dumadampi sa balat ko kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Kinapa ko ang tabihan ko pero wala akong naramdaman, napatingin ako don. Walang nag bago sa pwesto ng unan na nilagay ko, nag lagay kase ako ng unan para malaman ko kung natulog ba sa tabi ko si Yoongi o hindi.
Bumangon ako saka dumaretso ng banyo. Nag hilamos ako saka nag sipilyo, bakit wala kaya si Yoongi. Saan kaya siya natulog.
Bumaba ako kapag katapos kong mag hilamos. Nakita ko ang lola ni Yoongi na kumakain napalingon siya sakin kaya naman agad akong ngumiti dito.
"Good morning po." bati ko dito, ngumiti naman din siya sakin saka bumati din dahan-dahan naman akong umupo sa upuan.
"Hinahanap mo si Yoongi?" napansin ata niya na nililibot ko yung tingin ko para hanapin si Yoongi. Napatingin ako sa kanya.
"Mukhang hindi po ata siya natulog kagabi." saad ko, medyo natawa naman siya sa sinabi ko saka uminom at tumingin sakin.
"Nakita ko siyang natutulog sa sofa nang kwarto niyo kagabi." natigilan ako. "Sabi niya sakin kanina, sinunod niya daw ang inutos ng papa mo na bawal mag tabi sa higaan." mas lalo akong natigilan dahil sa dinagdag niya. Ginawa niya ba talaga 'yun?
Bahagya akong natulala dahil iniisip ko si Yoongi. "Si Yoongi, kung anong gusto niya ginagawa niya. Pero kapag ang taong mahalaga na ang pinag uusapan napaka masunurin niya'n." napangiti ako nung sabihin ng lola ni Yoongi iyon. Ang sarap sa tenga nang salitang 'mahalaga'.
Maya-maya nag usap kami ng lola ni Yoongi. Natapos kaming kumain na dalawa ng wala si Yoongi, saan naman kaya 'yun pumunta. Sabi ng lola ni Yoongi mag libot-libot muna daw ako sa labas. Balak niya pa nga akong samahan pero hindi na ako nag pasama baka kase mapagod siya kaya naman kumuha ako ng jacket ko saka ako lumabas.
Sobrang sarap sa pakiramdam ng hangin na sumalubong sakin kapag labas ko. Alas-sais palang kase ng umaga kaya medyo malamig, nag libot-libot ako. Sabi ni Yoongi lahat daw ng nakikita ko sa lugar na ito ay pag mamayari ng lola niya. Napaka laki ng lugar na ito. Sobrang ganda.
Umupo ako sa isang kahoy na upuan saka tumingin sa lugar. Sobrang ganda nito, pumasok sa isip ko si Yoongi. Mas maganda siguro kung kasama ko siya ngayon. Masyado ba akong naging marahas kagabi sa kanya, sa simple lang niyang biro bigla akong nawala sa mood. Hindi ko naman sinasadya na mag walk-out, akala ko naman kase susuyuin niya ako.
Pumasok na ako ng bahay saka dumaretso sa kwarto. Wala parin si Yoongi, tinignan ko yung cellphone ko balak ko sana siyang tawagan pero inisip ko na tatawag naman siguro siya. Nahiga ako sa kama, nakaramdam ako ng antok. Pinikit ko yung mata ko saka natulog.
...
Dumilat ang mata ko nung may marinig akong tugtog nang piano sa labas. Sumilip ako don pero wala namang tao, bumaba ako ngunit walang tao kaya naman lumabas ako ng bahay. Mukhang napasarap ata ang tulog ko dahil gabi na.
Pag labas ko ng bahay narinig ko na naman yung may kumakanta. Hinanap ko kung saan may tugtog hanggang sa marating ko ang isang dagat. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na may ganto pala dito. Napaangat ang tingin ko nung may makita akong mga halaman na may christmas lights, sobrang ganda nito sa mata. May hagdan don kaya naman umakyat ako. Nagulat ako nung may nakita akong isang lamesa at may dalawang upuan dito na may bulaklak sa gitna na para bang may date. Ang ganda naman dito.
Pumunta ako dun sa may lamesa. Napangiti ako nung makita kong pink rose ang bulaklak nito, paborito ko ang pink rose. Lagi akong dinadalan ng ganito ni Yoongi. Pumasok na naman sa isip ko si Yoongi, bigla akong nalungkot. Nasaan na kaya yung lalaking 'yun.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI