AUBREY DEI'S POV
Gusto kong mag pakain sa lupa dahil sa kagagahan na sinabi ko kanina. Para akong binato sa ulo ng malamig na bagay dahil sa mga itsura nila.
Nung pag sabi ko ng aso saka nila lahat sila napa nga-nga at mukhang gusto nilang tumawa ng malakas na para bang wala ng bukas!
Sumunod ako kay Mr, PD nim dahil sinabi niya. Pag sara ko agad ng pinto narinig kong nag si halak-hakan sila.
Napa pikit nalang ako saka ko pinag papalo ang noo ko dahil hindi ko talaga alam kung bakit ko yun sinabi.
Nababaliw na ata ako!!
Para akong may pasang mabigat sa paa ko habang sumusunod ako kay Mr, PD nim.
Pumasok siya sa isang kwartong parang salamin ang pader neto dahil kita ang loob ng kwartong iyon.
Pumasok siya kaya ganon din ako. Pinaupo niya ako sa harap ng lamesa.
"Alam kong wala ka pang tulog." Pag sisimula niya, pilit akong ngumiti dahil antok na antok na talaga ako.
Sobrang nagugutom na ako at gusto ko ng matulog isang araw na akong hindi natutulog tsaka hindi din ako naka kain nung nasa restaurant kami.
"Hindi kona kayo patatagalin, pumapayag kaba sa inuutos ko sayo?" Tanong niya.
Napa lunok nalang ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayoko talagang alagaan si Jungkook dahil pakiramdam ko magiging akward lang yun. Pero trabaho kong sundin kung ano ang pinag uutos niya sa'kin.
"Pero tama si Badboy..." Unti-unting bumagal ang pag sasalita ko.
"Badboy?" Takang tanong niya.
"Y-yung lalaking maputi na.." Hindi ko na tinuloy yung sinasabi ko dahil nakita ko na natatawa na si Mr, PD nim.
Bakit naman kaya ako laging tinatawanan nang mga tao dito.
"Si Yoongi." Sabi niya.
Naalala ko nung sinabi ng mga babae nung nasa airport kami, Yoongi yung itonawag sa kanya pero ang pag kakadinig ko kase YOONJI.
"Tama siya, personal assistant nila ako hindi naman siguro magiging fair saka nila na isa lang ang aalagaan ko."
Hindi ko gustong silang lahat ang alagaan ko pero tama naman si Yoongi personal assistant nila akong lahat hindi fair na isa lang ang aalagaan ko. Tsaka nung pumasok ako sa trabahong to ang napag kasunduan namin ay silang pito ang kailangan kong pag silbihan.
Para naman ako yaya nang pitong bata na matitigas ang ulo.
"Pero hindi talaga pwedeng kumuha ng iba. Please Aubrey kahit hanggang gumaling lang siya."
Napapikit nalang ako saka napa yuko dahil mukhang hindi na ata ako makakatanggi.
"Okay, pero gusto kong makausap ang Mama ko." Sabi ko.
Isang buong araw ko hindi nakausap si Mama, sigurado akong bubungangaan nanaman niya ako dahil sa biglang pag alis ko ng walang paalam sa kanya.
Napagkasunduan namin ni Mr, PD nim na ako ang mag aasikaso kay Jungkook pero sinabi ko din na para fair ang gagawin ko naka oras ang pag bantay ko sa anim tsaka sa kanya.
Monday to Wednesday ang schedule ko kila Jimin habang Thursday to Saturday naman kay Jungkook ang Sunday naman day off ko. Tutal nasa korea naman ako ang una kong gagawin ay mamasyal ng mag isa tsaka pupuntahan ko nadin yung mga kaibigan ko dati nung nasa korea pa ako.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI