Chapter 31: Concert

21 3 0
                                    

Paulit-ulit akong nag paikot-ikot dahil sa sobrang kaba. Hindi mapaliwanag kung anong klaseng kaba ba tong nararamdaman ko basta kinakabahan ako. Yun na yun.

Kailangan ko daw mauna don para ayusin yung mga kailangan pa nilang ayusin at siguraduhin ang mga dapat siguraduhin. Gusto ko man mag pasama kila Sarah pero hindi sila pwede dahil make-up artists sila.

Kinuha ko yung bag ko sa ibabaw ng lamesa pero bago pa ako maka hakbang pa ay may nakita na naman akong papel na nakadikit don.

To A

"Galing kay Kojic." Natatawang sabi ko dahil sa nabasa ko.

Alam kong hindi kita makikita ng
buong araw pero kahit ganon
pa man andito ka naman
sa puso ko.

"Korni naman." Natatawang sabi ko kahit kinikilig naman talaga ako sa loob-loob ko.

Tinabi ko yung papel na hawak ko saka lumabas ng kwarto. Dumaterso ako sa isang kwarto at nakita ko naman ang ibang staff na kasama kong pumunta don.

"Kumain ka muna dyan." Sabi ng isang staff pero umiling ako. Umupo ako sa isang sofa habang hinahantay sila.

Nag ring yung cellphone ko kaya agad kong kinuha yun. Si Kojic tumatawa.

"Hello?" Sagot ko dito.

"Naka alis kana?" Tanong niya.

"Bakit?" Natatawang tanong ko.

"Basta, ano naka alis na kayo?" Aniya. Ngumuso ako.

"Hindi pa naman." Saad ko.

"Good. Pumunta ka dito sa kwarto ko ngayon na ayoko ng pinag hihintay." Mag sasalita na sana ako pero pinatayan kiya ako ng telepono. Napaka bossy talaga non kapag sinabi niya kailangan sundin, tse.

Aba loko yun ah. Ganon ba yung pamamaraan niya ng panliligaw? Aba nakaka loka siya.

Mabilis akong pumunta sa kwarto niya saka kumatok. "Pasok." Dinig kong sabi niya.

Binuksan ko yung kwarto niya pero walang ilaw pero may naririnig akong ingay. Pumunta ako don at taka ko siyang tinignan.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

Nag luluto ba siya?

Lumapit ako sa kanya dahil nakikita kong nag luluto siya. "Hindi ko alam na marunong palang mag luto ang badboy." Natatawang asar ko sa kanya.

"Kahit badboy marunong mag luto." Aniya natawa naman ako. "Umupo ka muna don." Utos niya sakin.

"Gusto mo tulungan na kita?" Tanong ko, tumingin siya sakin kaya nginitian ko siya.

"Pinapunta kita dito para ganahan pa akong mag luto." Natigilan ako sa sinabi niya. Tinitigan niya ang buong mukha ko. "Ang ganda ng umaga ko." Aniya.

Takang umaas ang kilay ko. "Bakit?" Tanong ko.

"Kase nakita na kita." Hala siya! Sinabi niya ba yun, bakit ganto kinikilig na naman ako.

The Savage ManWhere stories live. Discover now