"Andito na tayo!" Nawala ang kunot ng noo ko nung biglang pag sigaw ni Kharen. Nag si labasan na sila habang ako nanatiling nasa loob parin.
Kapag baba ko ng kotse saktong nag tama ang tingin namin ng isang lalaking naka salamin. Namumukaan ko siya pero hindi ko maalala kung saan at kelan ko siya nakita. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya dahil kinikilabutan na ako sa tingin niya parang anytime anywhere kakainin niya ako.
Nasa lobby kami ngayon habang may hinihintay. Naiinis na ako. Wala bang balak mag pakita sakin yung lalaking yun. Ni anino niya hindi ko makita, pati narin sila Jungkook hindi kopa nakikita. Saan naman kaya sila nag punta?
"Hays, bakit ngayon pa?" Napalingon ako kay Sarah dahil sa sinabi niya, nag lakad ako palapit sa kanya at tinanong kung anong problema. Kaunti nalang daw ang kwartong available.
"Sorry po ma'am wala na po talaga." Eh kung sipain ko sa nguso tong babaeng to, bakit naman kase wala?! Jusme inaantok na ako!
Pumunta na kami sa itaas at agad kong binagsak ang katawan ko sa kama dahil sa sobrang antok. Nakakaloka na ah, inaatok na nga ako dumadagdag pa tong Mr, Sungit na to! Dudugo na yung ulo ko kakaisip kung ano bang nagawa kong kasalanan bakit niya ako iniiwasan. Hindi ko din siya matawagan dahil naka patay yung cellphone niya.
Ano ba yan Yoongi!! Pinadudugo mo yung ulo ko!!
...........
Para akong maiihi sa short ko. Hindi ko kaya to, mas gusto kong mag tahe kesa lumangoy, ayaw na ayaw kong lumalangoy dahil takot ako sa alon ng dagat kase pakiramdam ko tatangayin ako neto sa malayonh lugar kapag padating na ito sakin. Oo alam ko na masungit ako pero hindi naman purkit masungit ako eh kaya kona lahat. No way highway! Ayoko! Ayoko!
Gaga trabaho yan.
Shoot! Oo nga para trabaho pala to. Eto na naman ako sa trabaho. Trabaho! Hindi ko alam kung naka ilang dasal na ba ako ng ama namin habang nakatingin sa ibang staff na sumasakay na ng bangka. Hindi ba pweding umatras dito! Ayoko whaaa!! Takot ako sa isda!
"Natatakot siya." Napatingin ako sa kanan ko nung marinig ko si Jungkook. Tse, ang gwapo niya naman sa suot niya.
Ngumuso ako saka lalong napa kapit sa damit na hawak ko. "H-hindi.." Bulong ko pero narinig ko siyang natawa.
"Good luck mamaya." Huling sinabi niya bago ako layasan. Aba napaka wirdo talaga ng lalaking yun, sabihan ba naman ang ng good luck anong meron hah?! Exam ba?
Nakita ko si Yoongi na natutulog sa bangka. Nawala ang kaba ko nung makita ko siya at napalitan ng inis. Bwisit na lalaking to, nagawang matulog pero hindi nagawang kausapin ako. Nakakainis na talaga siya, pinupuno niya na ako, hindi ako ganto eh hindi ako yung klase ng taong mapang adjust. Eh kung bastidin ko na kaya siya, ganyan ba siya manligaw? Tse, pakainin ko kaya siya ng lugaw para matutong manligaw.
Hahakbang na sana ako palapit sa kanya para ilunod, charot. Para gisingin pero narinig kong tinawag na ako ng staff. Shet eto na, feeling ko matatanggal na yung kaluluwa ko sa katawan ko. Habang nag lalakad ako papunta sa bangka hindi ko mapigilang hindi isipin na parang nag lalakad na akong papuntang imperno. Para akong sasabak sa gera na alam ko naman na matatalo ako.
I'm dead. Nakahawak na ako sa bangka.
Go Aubrey kaya mo yan!
Malakas akong huminga ng malalim. Agad nag tama ang tingin namin ni Yoongi pero agad niya yung iniwas at tumingin sa malayo. Ahh! Ganyan talaga ang gusto mo ah. Umupo ako malapit sa kanya gitna namin si Jimin. Habang nag dadasal ako sila Jimin naman nag ku-kwentuhan at nag tatawanan.
Biglang huminto yung bangka at halos mapa-shet. Ako dahil sa kaba nung sinabi nila na baba kami sa tubig. Hindi ko kaya!!
..........
SOMEONE'S POV
Pakiramdam ni Aubrey kamatayan niya na kapag bumaba siya sa tubig, hindi niya alam kung anong gagawin niya lalo na nung nag si babaan na sila Jimin.
Habang nag dadasal si Aubrey nakatitig naman sa kanya si Yoongi at dahil nakatalikod sa kanya ang dalaga at abala sa pag darasal eh hindi niya na namamalayan na nakatitig pala sa kanya si Yoongi.
Dahil tamad at takot sa tubig si Yoongi nag paiwan siya. Style niya lang talaga yun para makaagaw ng tingin kay Aubrey.
Nag panggap siyang natutulog nung makita niyang titingin sa kanya si Aubrey.
"Tse, napaka batugan talaga.." Bulong ni Aubrey, dahil aapat lang sila sa bangka eh narinig niya ito. Natawa naman siya ng kaunti dahil sa sinabi ng dalaga.
Biglang tumayo si Aubrey dahil hindi niya na kinakaya ang pagitab nilang dalawa ni Yoongi. Gusto na kase niyang kausapin ang binata at tanungin kung anong problema. Napatingin sa kanya si Yoongi at tinignan kung anong gagawin neto.
Dahil sa sobrang katangahan at taranta ni Aubrey nadulas siya sa bangka at nalaglag. Nanlaki ang mata ni Yoongi at nag simulang mataranta dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya.
Napalunok siya saka mabilis na sumulong sa dagat at hinanap si Aubrey. Hindi alam ni Aubrey kung anong gagawin niya dahil hindi siya marunong lumangoy at ayaw niya sa mga isda. Hindi na halos makahinga si Aubrey sa sobrang taranta sakto naman naaninag niya si Yoongi. Parang biglang nag slow-mo na naman ang mundo niya nung makita niya si Yoongi at tuluyang ng huminto ang mundo niya nung halikan niya nito.
Alam niya na nag halikan na sila ni Yoongi pero iba ang halik na ito. Pinapasahan ni Yoongi si Aubrey ng hangin habang hinahalikan ito. Parang nag siliparan na naman ang mga paro-paro sa tiyan niya at nag simulang mag wala ang puso niya.
Ang lambot ng labi ni Yoongi at sobrang sarap nitong halikan. Parang pakiramdam niya siya ng pinaka swerte sa buong mundo dahil sa damirami ng babaeng pweding halikan ni Yoongi ay siya pa. Sa damirami ng tiga hanga ni Yoongi na gustong siyang halikan, at sobrang swerte niya dahil hindi lang basta halik ang ginagawa sa kanya ng binata. Halik na may kasamang pag pasa ng hangin at halik na may kasamang pag mamahal.
"Ahh!" Halos hindi alam ni Aubrey kung paano siya hihinga nung makaahon silang dalawa ni Yoongi. Hingal silang pareho dahil sa nangyari kanina.
Tumingin siya kay Yoongi at napahagulgol sa kamay niya dahil akala niya iyon na ang katapusan niya. Natigilan si Yoongi nung makita niyang umiiyak ang dalaga, umiiyak na naman sa harap niya ang dalaga at hindi niya na naman alam kung anong dahilan.
Hinawakan niya iyo sa braso at hinila kaya napayakap si Aubrey sa kanya. Walang pake si Aubrey kung may tao pa sa paligid niya ang mahalaga ligtas siya.
"Akala ko mamamatay na ako kanina.." Sabi nito habang umiiyak, napangiti naman si Yoongi dahil para itong batang inagawan ng laruan. Alam niyang hindi tama na pag tawanan niya si Aubrey habang umiiyak pero hindi niya mapigilang hindi matawa dahil sa naging reaksyon ng dalaga.
"Hindi ko hahayaan mangyari yun.." Sagot naman ni Yoongi saka niyakap pabalik ang dalaga at hinalikan ito sa ulo.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI