Chapter 49: Forgive or forget?

17 4 0
                                    

AUBREY DEI'S POV

Narinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko, hindi ko muna binuksan dahil namumugto ang mata ko kakaiyak.

"Aubrey.." Napadilat ang mata ko saka napatayo sa kama nung marinig ko ang boses ni mama. Pinagbuksan ko siya ng pinto saka ulit bumalik sa kama.

Sinara niya 'yung pinto saka umupo sa harap ko. "Alam kong nagugulat ka sa nangyayari ngayon." Sabi niya pero hindi ko siya tinignan at nanatiling nakayuko. "May gusto sana akong sabihin sayo." Napaangat ang ulo ko nung banggitin 'yun ni mama. Parang may kung anong gusto siyang sabihin sakin.

"Ano 'yun ma?"

"Sa nakaraang araw naging busy ako sa business na ipapatayo ko. May taong nag sabi sakin na mas mapapabilis ang pag tayo ko ng business kung pupuntahan ko ang papa mo." Bigla akong nainis. "Hindi ko alam na may sariling bars at mall na ang papa mo." Napatingin ako sa kanya. Kaya pala mukha siyang galante kanina at mukha siyang matino dahil sa suot niya. Mayaman na pala siya.

"Nag bibiro kaba ma?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi kase mag sink sa utak ko lahat ng sinabi niya, ano? May sariling bars at mall na si papa. Isa yung himala.

"Totoo." Tipit sa sabi niya. "Wag mong isipin na kaya ko pinabalik ang papa mo dito dahil mayaman na siya. Hindi ko parin napapatawad ng buo ang papa mo pero kahit papaano napatawad kona siya." Gusto kong pumalakpak.

"Ma paano mo nasasabi 'yan. Niloko niya tayo, niloko ka niya tapos nagagawa mo pa 'yang sabihin."

Ngumiti siya. "Mahal ko eh." Natigilan ako, kita ko sa mata ni mama na mahal na mahal niya si papa. Saksi ako sa pag mamahalan nilang dalawa halos maging third weel ako sa love story nila. Pero sa bandang huli, si mama lang ang nag mahal. "Ganon ko siguro kamahal ang papa mo kaya agad ko siyang napatawad." Gusto kong ngumiti sa sinabi ni mama.

"Ganon mo ba talaga siya kamahal? Kahit na sinaktan ka niya patatawarin at patatawarin mo parin siya?"

"Ganon ang love anak. Kahit na anong sakit ang maramdaman nito." Sabay turo niya sa puso niya. "Siya parin talaga sa bandang huli." Napangiti na ako ng tuluyan sa sinabi ni mama.

Ganon ba talaga yung love? Love is blind, kahit na anong ginawa niyang sakit, kahit na anong ginawa niyang panloloko at pang gagago magagawa mo parin talaga siyang mapatawad dahil mahal mo ito. Kahit na anong sakit ang iwan nito mamahalin mo parin siya. Ngayon alam ko na ang totoong ibig sabihin ng love, hindi lang siya salitang lumalabas kapag kaharap mona ang isang tao. 'i love you' hindi tatlong salita at hindi walong letra. Ang totoong love lumalabas kapag may problema, kahit na ano pang pag daanan niyo ng isang taong mahal mo. Kahit na pinag lalaruan na kayo ng tadhana. Kahit na nag kakagera na. Siya parin ang pipiliin mo dahil mahal mo siya.

"Ma.. pasensya kana kung naging ganon ako kay papa, hindi ko kase lubos maisip na andito siya kapag katapos niya tayong iwan." Napayuko na naman ako.

"Alam ko na hindi madali para sayo anak, pero patawarin mona ang papa mo." Napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko kaya ma.." Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya.

"Alam kong hindi mabilis kalimutan 'yung mga masasakit na iniwan satin ng papa mo. Mapapatawad mo rin ang papa mo ng pakonti-konti." Nakangiting sabi niya, ngumiti ako pabalik. Pareho sila ni Yoongi ng sinabi. "Basta buksan mo lang 'yan." Saad niya saka sinuro ang puso ko at hinalikan ako sa noo at lumabas na sa kwarto.

The Savage ManWhere stories live. Discover now