SHANE'S POV
Bagok na bagok na ako dito kahihintay ng update nila nakailang ulit narin akong nanonood ng mga last comeback nila pero nag sasawa na ako gusto ko naman yung bago! Ano ba EXO ang talaga niyo mag comeback!
Mag kakalahating oras na akong nag hihintay kay Tita dito sa bahay nila ang bilin niya sakin pakainin ko si Chimie kanina kopa siya pinakain at halos nakatulog na kami pareho. Sinusubukan kong tawagan si Aubrey pero hindi niya sinagot yung tawag ko.
Sino siya para ireject ang tawag ng isang dyosa. Hahahahaha.
Mapapanis na yung laway ko dito kase wala akong kausap. Jusko! Wala akong kausap gusto ko sanang kausapin si Chimie kaso natutulog siya baka magalit siya sa akin kapag ginulo ko yung gising niya.
Nababaliw na naman ako.
Napatayo ako sa kinauupuan ko nung marinig kong may nag doorbell. Bigla akong nabuhayan baka si Tita na yan. Pumunta ako don para buksan ang pinto pero hindi si Tita ang nakita ko kundi isang lalaki. Matangkad siya naka polong puti. Maputi siya at hmm! Ang gwapo niya.
At dahil gwapo siya pumunta ako don para tangunin kung anong number niya este anong kailangan niya baka mamaya delivery boy lang siya.
"Bakit?" Malambing na sabi ko ngumiti naman siya kaya pak mas lalo siyang gumwapo.
Shete Shane eto na! Siya na yung hulog ng langit para sayo!
Medyo kinilig ako sa sinabi ko sa isip ko pero duh! Loyal ata to kay Chanyeol.
"Andyan ba si ninang Vanessa?" Tanong niya.
Si Tita?
"Ah wala siya eh, bakit may pinadala bang sulat?" Natatawang sabi ko mukha kase siyang tiga hatid ng sulat.
Natawa siya. "I'm Jade Macoy Sebastian. Inaanak ako ni Nanang Vanessa, andyan ba siya?"
"Ah.. wala siya eh but the why highway I'm Singel..." Ani ko natawa naman siya. "Pasok ka sa loob mo nalang hintayin si Tita pauwi na yun panigurado." Nakangiting sabi ko bago buksan yung gate.
Pumasok kami sa bahay at dahil gwapo ang papi pinauna ko siya at sa likod ako nag ninja moves pa ako para amuyin siya at pak! Ang bango niya para siyang naligo ng pabango.
Pinaupo ko siya sa sofa. "What do you want? Coffee, tea or me." Saad ko.
"Tubig nalang." Aniya, ngumuso naman ako saka kumuka ng tubig at inabot yun sa kanya.
"Alam ba ni Tita na dadating ka?" Tanong ko sa kanya. Nakikita ko na mataas ang trabaho ng isang to, yiee perfect kami whahahaha.
"Ah, balak ko sana siyang supresahin." Aniya tumango nalang ako saka uminom ng juice na hawak ko, nakita ko na nag papalinga-linga siya sa paligid kaya nag taka ako. "Nasaan si A-aubrey?" Tanong niya.
"Ah, wala siya nasa trabaho siya."
"Ahh.. saan na siya nag ta-trabaho ngayon?" Tanong niya.
Imbestigador ba 'to, bakit panay tanong naman siya.
"Bighit Entertainment." Taas noong sabi ko. Biglang bumukas yung pinto at bumungad samin si Tita tumayo ako para salubungin siya.
"Tita, kanina pa kita hinihintay akala ko mapapanis na ng tuluyan yung laway ko." Nakangusong sabi ko natawa naman siya.
"May mga hinanap pa kase akong kailangan kong bilin." Aniya. Muntik ko ng makalimutan na may bisita pala siya.
"Ah tita may bisita ka." Saad ko napatingin naman siya sa bandang sofa at nanlaki ang mata niya pati narin ang ngiti niya.
"M-macoy?! Ikaw na ba yan?!" Aniya saka tumakbo papunta dun sa Macoy, lumapit ako saka nila saka umupo sa sofa. "Kailan kapa naka uwi?!" Si tita.
Nakakaloka, ngayon lang ba sila nag kita? Para silang mag ina.
Napangisi ako dahil sa kagagahang sinabi ko sa isip ko. Nag yakapan pa sila na para ba silang namiss ang isa't-isa. Napatingin naman ako kay papi ang gwapo naman ng nilalang nato. Nasaan kaya siya nung umulan ng kagwapuhan, ah malamang nasa langin siya yung nag papaulan masyado kase na siyang gwapo kaya shiner niya yung iba. May hawig sila ni Chanyeol ko pero mas gwapo yung Chanyeol ko noh, hahahaha.
"Kakauwi ko lang kaninang madaling araw ninang, may kailangan po kase sa ospital kaya ako umuwi." Aniya. Napatingin ako sa kanya.
Ospital? D-doctor ba siya?
"Nako, ang laki mona." Nakangiting sabi ni tita saka siya tumingin sakin. "Ah, Si Shara Shane pala, kababata din yan ni Aubrey." Nakangiting sabi niya. Tumingin sakin si Macoy saka nilahad ang kanyang kamay agad ko naman iyong tinanggap.
Nakteteng ang lambot.
"Si Macoy pala Shane, first love yan ni Aubrey." Natatawang sabi ni tita. Napatingin ako kay Macoy nung sabihin yun ni tita, napalunok naman siya.
"Hindi na kwento sakin yan ni Aubrey ah." Nakangusong sabi ko. Natawa naman siya ng kaunti.
Nag kwentuhan sila tita habang ako nakikinig lang saka nila habang na nonood ng k-drama alam niyo naman kpop, k-drama lover ako.
Ayoko kaseng isipin sa sarili ko na may tinago sakin si Aubrey. Lahat tungkol sa buhay niya kinwento niya sakin as in lahat pati nga yung kagagahan niya nung nadapa siya prom at shempre dahil yun sakin. ganon din naman ako pero sa kanya, kinukwento ko lahat ng mga kagagahan ko pero hindi ko inaasahang may ganto akong maririnig. Hindi akalain na may first love na pala siya, nakakaloka. Hindi ko ene-expect na may paganong balita si Pogi. Pero hindi naman malayo na mag kagusto si Aubrey sa kanya, gwapo nun mala perfect ang dating kulang nalang ako sa buhay niya para perfect na perfect na hahahahaha.
Sinubukan kong tawagan ulit si Aubrey pero hindi ko parin siya ma-contact. Nasa bundok ba siya, bakit mukhang wala siyang signal. Nak ng pateng.
"Shane, alis na muna ako ikaw na muna bahala kay Macoy babalik din ako." Napatayo ako mula sa pag kakahiga ko sa sofa.
"Sige tita, ako bahala sa first love ni Aubrey." Natatawang sabi ko.
"Bantayan mo." Natatawang aniya pa bago siya umalis.
Binitawan ko yung cellphone ko saka pumunta sa kusina. Umupo ako sa harap niya habang naka angat ang kaliwa kong kilay.
"Totoo bang first love ka ni Aubrey?" Tanong ko sa kanya na may halong sakrastikong tano. Naubo siya.
"First love? First crush." Aniya. Natawa pa siya ng bahagya.
"Ilang taon kana?" Tanong ko ulit.
"21." Tipid na sabi niya.
Mag kasing edad sila ni Aubrey. Putcha di ako pwede disi otso palang ako.
Medyo nawalan ako ng ganda este gana sa sinabi niya. Mukhang wala ata akong pag asa sa gwapong ito, ang layo ng edad ko sa kanya, kuya ko na ata to!
"Alam mo ba na ayaw ko sa mga taong ayaw din ng best friend ko?" Sakrastikong sabi ko. "Ikaw siguro yung dahilan kung bakit siya naging bitter." Dagdag kopa.
"Mukhang ako nga." Seryosong sabi niya. "Anong oras ba ang uwi ni Aubrey para maka usap ko siya?" Nakangiting tanong niya.
Shet nahuhulog panty ko. Ngiti palang yan ah!
"Malayo yung trabaho niya pero kung gusto mo ng kausap andito naman ako—"
"Ah sige, kailangan ko ng umalis kailangan na ako sa ospital." Pag puputol niya sa sinasabi ko.
"Ngayon na?" Pabebeng tanong ko.
"Sorry I have to go." Mag sasalita na sana ako pero mabilis siyang tumakbo.
Napanguso ako. "Sayang type ko pa naman siya."
Akala ko hulog na ng langit. Tse!
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI