Messages
To: Kpop lover
Shane, paalis na ako. Ready na yung gamit ko, gising kana ba?
Message sent!Para ako'ng matatae sa sobrang kaba dahil sobrang aga ng ibinigay na oras sakin ni Mr, PD nim kailangan daw 4:30am andun na daw ako sa sinabi niyang lugar, Jusko! Halos apat na oras lang yung tulog ko. Nag iwan ako ng sulat at pera sa ibabaw ng lamesa para agad mabasa ni Mama.
Nag lalakad ako papunta ngayon sa bahay nila Shane, hindi na ako nag jeep tutal dalawang kanto lang naman yung layo ng bahay nila sa subdivision nila tsaka para makapag exercise nadin ako haha.
Pumunta muna ako sa 7/11 para bumili ng kape. Kumuha ako sa refrigerator ng malamig na kape saka pumunta ng cashier.
"I'm sorry sir pero hindi po kami tumatanggap ng korean money." Rinig kong sabi ng cashier lady, may kausap itong lalaking naka jacket at naka mask.
"Wala kase ako'ng dalang peso dito, baka naman may palit kayo--"
"Sorry sir wala po talaga, bumalik nalang po kayo sa kapag may palit na kayo. Next." Sabi niya, tumabi yung lalaki sa gilid saka ko nilagay yung kape ko, tinignan ko yung hawak niya at parehas kaming kape ang binibili.
"Ahh excuse me miss." Sabi ko, tumingin naman siya sa'kin. "Ako na mag babayad ng sa kanya, isama mona sakin." Nakangiting sabi ko, nag palit-palit muna siya ng tingin saming dalawa bago siya mag salita.
"Okay po." Aniya. "94 pesos po." Sabi niya, inabot ko ang bayad saka na ako umalis ng hindi kona kinakausap yung lalaki. Nag lakad na ako papunta kila Shane, pakiramdam ko may sumusunod sa'kin kaya ako huminto at tumingin sa likuran ko pero wala ako'ng nakitang tao kaya nag lakad nalang ulit ako hanggang sa marating ko ang bahay nila Shane.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ng jacket ko.
New Message Received
From: Kpop lover
Nasaan kana? Pababa na ako nag bibihis nalang.
3:53amMessages
To: Kpop lover
Nasa labas na ako, hintayin nalang kita.
Message sent!Binalik kona yung cellphone ko sa bulsa ng jacket ko saka umupo sa bato at uminom ng kape, ilan pang saglit may narinig na ako'ng kaluskos.
"Brey!" Hinanap ko kung sinong tumatawag sa'kin, hinanap ko sa kaliwa't kanan ko pero wala.
"Aray!" Singhal ko ng maramdaman kong may bumato sa ulo ko mula sa itaas kaya inis ako'ng tumingin don. "Anong ginagawa mo d'yan?" Sigaw ko pero mahina lang, nasa taas si Shane ng kwarto niya at may binababang mahabang kumot. Napapikit ako dahil alam kona kaya siya nag bababa ng kumot.
Hindi na naman siya pinayagan.
"Si Tatay Tino pababa na d'yan." Bulong niya, napalingon ako nung makita ko si Tatay Tino galing sa bahay nila.
"Tara." Sabi niya, gaya ng dati sinikap naming hindi malaglag si Shane sa kumot habang binababa namin siya at sinikap din naming hindi marinig ng Daddy niya.
"Ahh!" Aniya nung maka baba siya. "Galing ko 'no?" Aniya, naka pajama siyang puti saka naka t-shirt siyang pute.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI