Chapter 39: Meet the mother

10 3 0
                                    

Hindi ako makapag salita ngayon dahil sa tingin niya. Alam ko kung bakit siya andito ngayon at alam ko din kung bakit mukha siyang badtrip. Hindi ko lang naman sinagot ang mahigit trenta niyang miscall at sinadya kong hindi iyon sagutin.

Flashback

Dapat nararamdaman ko ngayon ay tuwa dahil sa sinabi ni Mr, PD nim.

"Ayos na tayo." Nakangiting sabi niya saka tumayo at nilahad ang kanyang kamay.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung matutuwa ba ako dahil sa ibibigay niya na yung huling sweldo ko at mababayaran ko na yung kotse niyang nabasag ko o malulungkot ako dahil wala na akong trabaho. Wala na naman akong trabaho. Hindi kona makikita ang mga makukulit kong alaga at hindi kona makikita si Yoongi.

Tumayo ako saka tinanggap ang kanyang kamay. "Okay." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Okay. Eto ang iyong bank account." Aniya saka may binigay sa akin na isang sobre. "Binangko na namin para mas safe. About the car don't mind that, it's okay." Aniya.

Iniwan niya akong nakatingin sa malayo habang iniisip kung paano ko sasabihin sa mga amo ko na hindi na nila ako P.A lalo na kay Yoongi. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Yoongi na wala na akong trabaho, sikat si Yoongi at hindi na niya ako P.A paano na namin makikita ang isa't-isa. Hindi naman ako tinanggal ni Mr, PD nim, pwede pa naman akong mag trabaho pero may kailangan lang daw silang asikasuhin tsaka nasa akin naman daw yun kung itutuloy kopa ba ang trabaho ko o hindi na.

Sabi ni Mr, PD nim mas maganda daw na siya na ang mag sabi kila Yoongi na hindi na ako ang P.A at sasabihin niya lang daw yun kapag nakabalik na daw sila ng korea.

Inayos kona lahat ng gamit ko at lumabas. Tinext ako ni Yoongi na mag kita kami sa lobby pero hindi ako pumunta at sinadya ko iyon. Alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko sa ginagawa kong to pero mas maganda na din siguro 'to, pero hindi ko kaya hindi ko nga lang makita si Yoongi ng dalawang oras o mawala lang siya sa paningin ko pakiramdam ko mababaliw na ako. Paano pa kaya kapag hindi na kami nag kita ng tuluyan.

End of flashback

Nasa park kami malapit dito sa subdivision namin at naka upo ako habang siya naman nakatingin lang sakin.

"Wala ka bang sasabihin?" Ayan na yung boses niyang pang bad boy.

Patay na ako neto!

Tumingala ako sa kanya. "A-ah.. H-hi?" Utal na ani ko, kumunot naman ang noo niya.

"Hi?" Hindi maka paniwalang tanong niya. "Hindi moba sasabihin sakin kung bakit hindi mo sinasagot ang tawag at text ko?" Tanong niya.

"Bakit ka andito?" Balik na tanong ko sa kanya, kumunot na naman ang noo niya.

"Tama bang ibalik sakin ang tanong?"

"Eh ganyan ka din naman eh." Pag balik ko sa kanya. Bumuntong hininga siya.

"So wala ka ngang balak sabihin sakin yung totoo?" Tumayo ako dahilan para mag kapantay kami.

"Anong totoo?" Takang tanong ko.

"Yung totoo!"

"Ano ngang totoo?!

"Yung totoo na wala ka ng trabaho! Hindi kana personal assistant ng bangtan boys!?"

Napalunok ako dahil sa sinabi niya.

"P-paano mo nalaman.." Miski sarili kong boses hindi kona kilala, parang ngayon lang ako nautal dahil sa boses ni Yoongi. Ngayon niya lang ako sinigawan..

"Tell me.. Please.. Kase mababaliw na ako dito kaiisip eh.." Napayuko ako.

"Itigil mona 'to Yoongi.." Sabay ng pag angat ng ulo ko niya nung sabihin ko iyon. "Pasensya kana.." Dagdag ko pa.

The Savage ManWhere stories live. Discover now