JIMIN'S POV
"Madam P.A sige na please."
"Jimin, kanina kopa sinasabi na makikita mo din naman yun bukas."
"Pero gusto ko muna malaman sabihin mona sakin, kahit yung itsura lang naman."
"Ayoko."
Napanguso ako kase mag kakalahating oras ko na siyang kinukulit na sabihin sakin kung anong itsura ng palawan. Nasa rooftop kami ngayon nila Hyung Suga at tumakas kami para maka kain ulit. Bitin kase yung nakain namin kanina. Nakita ko na kaunti nalang yung ulam sa plato niya kaya nilagay ko yung mga ulam ko sa plato niya, napatingin naman siya sakin.
"Bakit?" Takang tanong niya, ngumiti naman ako sa kanya.
"Please.." Pag mamakaawa ko sa kanya, hindi ko kase ma-google yung palawan na yun at hindi ko alam kung bakit.
Ngumiti siya. "Ayoko." Biglang bumagkas ang balikat ko sa sinabi niya.
"Sabihin mo na sakin." Pag mamatigas ko pero umiling siya habang kumakain.
Dahil wala akong choice pero hindi parin ako susuko. Tumingin ako kay Hyung na kanina pa walang kibo.
"Hyung.." Malambing na tawag ko sa kanya, napatingin naman siya sakin. "Ikaw nga kumulit sa kanya." Pag mamakaawa ko pero umiling din siya.
Napanganga ako. "Wha?! Pati ba naman ako re-reject mo? Hyung.." Saad kopa pero pareho silang natawa.
Ngumuso ako hanggang sa napansin kong tinatanggal ni Hyung yung mga ulam na nilagay ko sa plato ni Madam P.A.
Taka akong tumingin sa kanya. "Hyung anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Bawal siya sa matataba hindi maganda para sa kanya." Nanliit ang mata ko dun actually maliit naman talaga yung mata ko pero mas lumiit dahil sa sinabi niya.
Unti-unti kong nakita na kanina pa siya malambing kay Madam P.A—What the fish!
Napahawak ako sa bibig ko. "Whaaa!!" Sigaw ko. Gulat naman silang napatingin sakin. "S-sabihin niyo nga.. may namamagitan n-naba sa inyo?" Tanong ko, naubo naman si Madam P.A habang si Hyung ay nakita kong ngumiti.
"J-jimin, a-anong pinag sasa-sabi mo." Utal na sabi ni Madam P.A.
Pak! Confirm!
Lumipat kay Hyung yung tingin ko. "Hyung?" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinag aksaya ng oras para lingunin miski tanguan hindi niya ginagawa kaya tumayo ako para hilain siya at pumunta sa isang sulok.
"Kumakain pako." Saad niya pero wala akong pake. "Huy!" Aniya pa pero tinignan ko siya ng seryosohang tingin.
Umamin kana tisoy—este sadya ka na palang mapute.
"Oo na. Nag tapat na ako sa kanya." Halos mapatalon ako dahil sa sinabi niya buti nalang hindi ako OA.
"Whaa! Totoo ba yan?!" Gulat na tanong ko napahawak naman siya sa batok niya. "K-kelan pa?" Dahdag kopa.
"Kagabi." Tibig na sagot niya.
"Seryoso?!" Natatawang tanong ko pero tumingin lang siya sakin at dahan-dahan gumihit ang isang malaking ngiti sa mga labi niya. "Putcha! Sabi kona eh! Mag kwento ka sakin mamaya!" Masayang sabi ko saka akmang bababa pero hinila niya yung damit ko sa likod.
"Wag mo munang pag sasabi, satin-satin muna to." Aniya tumango naman ako.
Putcha! Nakakaproud akala ko magiging matandang binata na siya pag katapos nilang mag break ni Suran. Nak putcha!
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI