Chapter 51: Meet the father

16 6 0
                                    

AUBREY DEI'S POV

"Kaya ko pong pakasalan ang anak niyo." Parang pakiramdam ko ako na ang pinaka masayang tao sa buong mundo nung marinig ko 'yun. Ang sarap pala sa feeling na may taong nag papahalaga sayo at kayang sabihin na pakakasalan ka niya. Kakatuwa na nakakakilig.

Sandali silang nanahimik kaya naman nag taka ako. Bakit hindi na sila nag sasalita? Natameme ba sila sa sinabi ni Yoongi?

Lumabas na ako sa pinag tataguan ko ang pinakawalan si Chimie. "Go to your room baby.." Utos ko sa kanya, busog naman si Chimie kase kanina pa siya kumakain don sila Shane. Umakyat si Chimie at dumaretso sa kwarto ko.

Tumingin ako kila Yoongi. Napangiti agad ako nung makita ko siya, pilit kong hindi ipahalata na narinig ko lahat ng sinabi niya.

"Oh anak andyan kana pala. Sumabay kana samin. Si Yoongi kanina pa andito hindi ka namin matawagan eh." Sabi ni mama.

"Iniwan ko kase 'yung cellphone ko ma." Pag papaliwanag ko saka lumapit sa lamesa at umupo sa tabi ni Yoongi. Kita ko na nag aalala parin siya sakin, ganto ba talaga ka lakas yung lungkot ko, pati mga tao sa paligid ko nararamdam 'yung lungkot na nararamdam ko.

Tumingin ako kay papa, nakita ko na nakatingin siya samin ni Yoongi at mabilis niya iyong iniwas nung makita niyang nakatingin ako. Siguro hinihintay niya na ipakilala ko si Yoongi. Medyo kinakabahan ako, kase first boyfriend ko si Yoongi. Unang beses din akong mag papakilala ng boyfriend sa kanya. Kapag may umaaligid nga sakin dati una pa siyang bumabasted bago ako. Kaya naman maiintindihan ko kung magugulat siya sa sasabihin ko.

Huminga ako ng malalim. Siguro kahit na matagal na nawala si papa kailangan ko parin mag karoon ng galang. Hindi naman ako bastos, hindi ako ganon pinalaki. Kaya tama lang siguro na ipakilala ko si Yoongi sa kanya.

"Pa." Tawag ko sa kanya, kita ko sa mata niya na nagulat siya dahil sa ginawa kong pag tawag sa kanya. "Si Yoongi po, boyfriend ko." Nakangiting sabi ko daretso sa mata niya. Ang sarap sa pakiramdam na may natatawag na naman akong 'pa'.

"Siya 'yung kasama ko kagabi." Sabi ko. Nanatiling gulat parin ang reaksyon niya, siguro sa pamamaraan ko ng pakikipag usap sa kanya ngayon.

"Kilala ko siya." Sabi naman ni papa. "Gusto ko siya para sayo." Lahat kami nakahinga ng maayos nung sabihin niya 'yun. Pati ako nakahinga din ng maayos, parang gumaan 'yung pakiramdam ko.

Kumain lang kami tsaka ng usap-usap, bakas parin samin ni papa ang malamig na tensyon. Hindi kami nag uusap pero kapag may tanong siya tumatango lang ako bilang sagot. Nag kwento si papa tungkol sa mga business niya. Kahit paano nag bunga yung ginawa niyang pag iwan samin ni mama. Umayos ang buhay niya, hindi lang basta-basta maayos. Yumaman na siya.

Si Yoongi at Papa ang nag uusap. Napapangiti ako kapag nakikita ko na close na agad sila. Kahit papano may saya akong nararamdaman. Sinabi ni Yoongi na isa siya sa member nang sikat na grupo. Alam na daw ni papa 'yun dahil nakikita niya 'yung itsura ni Yoongi pati ng iba pa niyang kaibigan sa mga merch sa mall niya. Sabi niya isa daw sa dahilan sila Yoongi kung bakit sila dinadayuhan ng mga tao dahil sa mga merchandise nila.

Nakakatuwa silang tignan. Nakakatuwang isipin na naging close agad sila ni Yoongi. Na kwento ni Yoongi na Rapper siya, sabi naman ni papa mahilig din siyang mag rap nung kabataan niya. Pati ako nagulat nung sabihin niya 'yun, hindi niya na kwento sakin na marunong pala siyang mag rap dati. Tapos mas lalo kong kinagulat nung sabihin niya na heartthrob siya dati sa school nila shempre eto namang si mama agad na react. Sabi niya na chick boy si papa dati pero nag bago si papa nung makilala niya si mama. Natutuwa ako kase ganon din ako, yung bad boy, nagiging good boy kapag nasa tabi ko.

The Savage ManWhere stories live. Discover now