AUBREY DEI'S POV
"Oo na sige na."
Ayan na bumigay nako. Kanina pa kase kulit ng kulit tong bulinggit nato, bakit ba kase tinatanong niya pa eh makikita din niya naman yun bukas.
Pinapunta niya ako dito sa kwarto niya dahil ginamit niya na naman yung magic words niyang 'Boss' share pala sila ni Yoongi ngayon ng kwarto pero wala siya ngayon dito at hindi ko alam kung saan siya nag punta. Nilapag ko sa harap niya yung laptop ko dahil hindi niya pweding isearch yung palawan gamit yung cellphone niya kase hindi yun pwede dito. Tungkol lang sa korea ang pwede niyang isearch.
"Oh." Abot ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng walang katulad na akala mo wala ng bukas kung ngumiti. "Ang palawan ay isa sa most attractive sa pilipinas." Pag sisimula ko.
"Anong itsura?" Tanong niya.
"GM." Saad ko habang pinipigilang hindi tumawa.
Kumunot ang noo niya. "GM? Ano yun?" Tanong niya.
"Google mo." Saad ko saka tumayo sa kama. Nilibot ko ang mata ko at may nakita akong manika sa ibabaw ng kama ni Yoongi.
Akma akong lalapit don pero biglang bumukas yung pinto kaya napalingon ako don. Nakita ko si Yoongi na may dalang. Sheteng malagkit may bulaklak na naman siyang dala?! Gagawin niya bang flower shop yung kwarto ko.
"Hyung!" Tawag ni Jimin sa kanya habang ako nanatiling nakatingin lang sa kanya.
Mukhang hindi niya pa ako nakikita.
"Si Aubrey wala sa kwarto niya." Kunot noong sabi niya saka umupo sa tabi ni Jimin. Pareho na silang nakatalikod sakin.
"Nak putcha patay na patay hahahaha!" Sabi ni Jimin natawa naman ako don. "Para kanino yang bulaklak?"
"Sayo nalang gusto mo?" Sakrastikong sabi ni Yoongi.
"Inang yan! Wala lang si Aubrey ako naman ngayon yung liligawan mo?"
Paano niya nalaman na nililigawan ako ni Yoongi? Sira ulo tong bulinggit nato ah.
"Tse. Sayang naman to." Aniya. "Kanino laptop yan?" Tanong niya pa.
"Sa kanya." Tipid na sabi ni Jimin habang nag re-reshearch.
"Hoy laptop ka! Ilabas mo si Mrs, Sungit ko nasaan na siya!?" Halos sabay na sabay kami ni Jimin natawa napayuko pa si Jimin katatawa habang nakatingin sa kanya pero wala man lang siyang reaksyon.
"Ayun siya oh! Nako! Nako! Ang hirap pala talaga kapag na inlove ang bad boy!" Natatawa akong lumapit saka nilang dalawa. "Masyado ka kase OA hyung." Sabi pa ni Jimin.
"Hoy Jimin! Wag mo nga akong sabihan ng ganyan, mas matanda ako sayo." Si Yoongi.
"Oo, mas matanda ka sa'kin pero mas matangkad naman ako sayo." Depensa ni Jimin sa kanya, natawa naman ako dahil sa kanilang dalawa. Sweet naman pala nila hahahahaha.
"Suntok gusto mo?" Banta ni Yoongi, tumayo si Jimin saka umayos na upo.
"Hindi naman kita inaano ah.." Nakangusong sabi niya saka bumalik sa ginagawa niya.
"Hoy tigilan niyo na nga yang away niyo." Bago pa sila mag sabunutan este mas mag away pa ulit pumagitna na ako at tumabi kay Yoongi. "Bakit ka na naman nag kakaganyan?" Natatawang tanong ko pero ngumuso lang siya.
"Bakit wala ka sa kwarto mo?" Tanong niya.
"Malamang andito siya! Tse, OA ka na nga bulag kapa." Nawala ng ekspresyon ni Yoongi, mala anghel na mukha ni Yoongi kanina ay napalitan ng maitim na aura.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI