"Oh, nasaan na yung pogi mong manliligaw?" Napatingin ako kay Shane nung bigla-bigla siyang mag salita sa tabi ko.
Dahil bagok na bagok na ako dito ospital kaya nag laro nalang kami ni Shane ng UNO. Ayoko namang lumabas sa kwarto ko kase ayaw kong nakakakita ng mga taong may sakit.
Wala si mama dahil may kausap siyang business man na kumukuha sa kanya bilang ka syosho. Nung una ayaw niya pang umalis dahil hindi niya daw ako maiwan pero sinabi ko na ayos na ako kaya naka alis na siya.
"Baka mamaya andito na yun." Saad ko pa saka tumira. "Oh matatalo kana." Saad kopa.
"Hey girls." Napatingin ako sa pinto nung marinig ko ang boses ni Jade. May dala siyang isang basket ng prutas.
Na naman? Gagawin ba nila akong FRUITtarian? Jusme!
"Oyy Macoy!" Hala maka Macoy naman tong si Shane. Close ba sila? Lumapit samin si Jade saka nilapag yung dala niya. Hindi ko siya tinignan at nag patuloy lang sa lalaro ko.
"I bought fruits for you Dei." Dinig kong aniya.
Tumango ako. "Thanks." Tipid na sagot ko. Tumingin ako kay Shane dahil sa bigla niyang binitawan yung baraha niya.
Taka akong napatingin sa kanya dahil lumapit siya sa mga prutas na dala ni Jade. Napaka takaw talaga ng babaitang to! Nakakaloka.
"Wala kang duty?" Tanong ko kay Jade saka kumuha ng mansanas saka iyon kinagatan.
"Meron." Aniya, napatingin naman ako.
"Meron pero andito ka?" Tanong ko, natawa siya.
"Hindi ba pweding bumibisita." Napatingin ako kay Shane dahil sa biglang pag singit niya, pinandilatan ko siya saka ulit tumingin kay Jade.
"Remember, you are my patience." Nakangiting saad niya. Hala, close ba kami? napairap ako.
Napatingin ako kay Shane nung kunin niya yung bag niya sa tabi ko. "San ka pupunta?" Takang tanong ko sa kanya.
"Hinahanap kase ako ni dad." Pinigilan ko siya nung akmang mag lalakad siya.
"Iiwan moko?"
"Anyan naman si papi." Aniya, kumunot ang noo ko.
"Sinong papi?" Takang tanong ko.
Ngumiti siya. "Si papi Macoy." Aniya saka ako kinindatan. "Macoy alis na muna ako, ikaw na muna bahala kay Aubrey." Nilakihan ko ng mata si Shane at sumesenyas sa kanya na wag niya akong iiwan pero..
"Sure. Bye." Sabi naman ni Jade habang kumakaway, nag flying kiss pa si Shane sakin bago siya lumabas ng silid.
Nangaasar talaga!
"Alam kong boring na boring kana dito." Napatingin ako kay Jade.
Tse, buti alam mo
"Kaya lalabas tayo." Nakangiting sabi niya, nag bibiro ba siya? Lalabas kami? Eh alam naman niyang ayaw kong nakakakita ng mga taong may sakit.
"Alam mo naman na—"
"Yes I know pero anong gagawin mo dito besides I have another duty kapag katapos ko sayo." Aniya pa, hindi naman ako ang priority niya hindi lang ako yung aalagaan niya. Tse bahala na nga.
Nilahad niya yung kamay niya para tulungan akong tumayo pero hindi ko iyong tinanggap. Akala ko ayos na ako pero bigla akong natumba pero nasalo naman ako ni Jade.
Gulat akong napatingin kay Jade. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Kung dati laging bumibilis ang tibok ng puso ko sa twing malapit ang mukha namin pero ngayon hindi na. Hindi na.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI