Chapter 9: Defensive?

44 5 0
                                    

Ilan pang saglit may sumundo na samin, hindi ko alam kung paano kami nasundo ni hindi ko nga tinawagan yung driver. Hindi kami nag usap sa loob ng sasakyan nanatili lang kaming walang kibo pareho hanggang sa maka dating kami sa Bighit Entertainment.

Una ako'ng lumabas saka siya sumunod, hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Medyo may pag katahimik 'tong lugar na 'to at wala medyong dumadaan. Madilim na kaya hindi na siya naka mask.

Lahat ng nadadaanan naming tao halos lahat sila nag babow sa nakiki gaya nalang din ako para hindi mag mukhang bastos.

Pumasok kami sa elevator, nag katinginan muna kami bago ko pindutin yung botton.

"Saan tayo?" Ani ko, bumuntong hininga muna siya bago pindutin yung sixth floor.

Nanatili nalang ako'ng tahimik dahil sobrang pagod na yung katawan ko at sobrang gusto ng pumikit ng mga mata ko nilalabanan kona pati na rin yung sikmura ko.

Pag bukas ng sixth floor gulat ako'ng napa tingin sa mga tao dahil nag kakagulo sila at sobrang dami nila, may nakita ako'ng ibang staff na nasa dulo pero hindi ko nalang sila pinansin.

Papasok sila ng elevator kaya tumabi muna ako saka tumingin sa kasama ko, kita kong naka yuko siya kaya kumunot ang noo ko.

Wala ba siyang balak lumabas?

Napa irap nalang ako sa hangin dahil no choice ako kundi hilain siya palabas ng elevator. Siniksik kopa yung sarili ko para lang hindi siya maipit ng ibang tao, nag mukha ako'ng bodyguard niya sa liit kong 'to ako pa pomuprotekta sa kanya, tss.

Naramdaman kong may tumapak sa paa ko at sobrang sakit ng pag kakatapak kaya napa upo ako pero hindi ako tuluyang napa upo sa sahig kaya taka ako'ng tumingin sa itaas ko.

Dun ko lang nakita na hawak hawak niya pala yung kamay ko, natulala ako sa mata niya hindi ako makatayo dahil nang hihina ang mag kabilang tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit kumikinang ang mga mata niya parang ayaw ko ng tigilan ang pag tingin sa mata niya, para ako'ng nilalason ng tingin niya.

"Aray!" Singhal ko ng bigla niya ako'ng bitawan kaya tumama yung BUTO ng pwet ko sa sahig.

Inis ako'ng tumayo at humawak sa pwetan ko saka lumabas ng elevator, gusto ko siyang sakalin gamit ang sinulid dahil sobrang sakit ng pwet ko!

Pumasok siya sa isang kwarto at kaya sumunod nalang ako. Binuksan ko ang pinto saka bumungad sa'kin sila Jimin, Seokjin, Namjoon, Hoseok.

"Madam P.A!" Tawag sa'kin ni Jimin, sinesenyasan niya ako na lapitan siya pero hindi ko siya sinunod.

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya saka umupo sa isang mahabang sofa na walang tao.

"Oh, bakit ngayon ka lang?" Napa tingin ako kay Namjoon. "San kayo galing?" Tanong niya sa'kin kaya inis ako'ng tumingin kay Hoseok na natutulog.

Tumayo ako at nag lakad palapit kay Hoseok saka siya tinapik sa balikat, gulat naman siyang nagising saka tumingin sa'kin.

"Eto na ho yung cellphone niyo na halos ikamatay ko." Mariin na ani ko saka tinabot sa kanya yung cellphone niyang akala mo pag kamahal mahal.

"Nakuha mo, salamat Madam P.A." Asar niya sa'kin, inis ko namang ginaya yung sinabi niya pero walang boses saka bumalik sa sofa at pinahinga ang katawan ko.

TAEHYUNG'S POV

"Totoo nga, siya yung tumulong satin nung nasa Sta. Rosa tayo." Paulit-ulit kong sinasabi kay Jungkook na totoo yung sinasabi ko pero hindi niya ako pinapansin at tuloy lang siya sa pag kain niya.

The Savage ManWhere stories live. Discover now