Chapter 8: Cotton candy

25 5 0
                                    

"MADAM P.A!!" Inis ako'ng napa hawak sa mag kabilaang kong teinga dahil sa malakas na boses ni Jimin.

"Madam P.A an'dito na tayo, oyy!" Una kong binuksan ang kaliwa kong mata at sumunod ang kanan ko pang mata nung namalayan kong hindi na pala umaandar yung eroplano.

"Nasan na tayo?" Tanong ko sa kanya, nilahad niya yung kamay niya pero hindi ko yun kinuha.

Tumayo ako ng hindi kinukuha yung kamay niya kaya kita ko ang pag dismaya niya.

"Nasaan yung mga tao?" Tanong ko sa kanya dahil wala ako'ng makitang tao sa loob maliban samin dalawa.

"May inaayos lang yung staff para maka alis na tayo." Aniya tumango nalang ako. "Dalian natin." Nakangiting sabi niya, kaya tumango nalang ulit ako.

Kinuha ko yung bag ko na naka lagay sa tabi ko saka tumingin sa kanya.

"Tara na, medyo nagugutom na ako 'eh." Nakangiting sabi ko, kita ko kung paano siya unti-unting ngumiti.

"Hahahah! Tara." Sabi niya saka nag lakad sumunod naman ako sa kanya.

Kita ko yung ibang staffs na ang daming ginagawa, lahat sila sobrang daming ginagawa. Medyo napa kamot ako sa noo ko at iniwas ang tingin ko saka nilang lahat.

Ganiyan ba talaga ang trabaho nila, ang mag paka busy para lang sa pitong lalaking 'to. Ngayon na intindihan kona kung agaano ka ispesyal ng pitong yun, akalain mo sila nakakatulog din ng maayos samantala yung mga staff nila hindi pweding mag pahinga ng hindi nakaka siguro kung ayos ba talaga yung lagay ng pito.

Ngayon na laman kona kung aano kabigat ang responsibilidad ko bilang personal assistant ng pitong yun. Kung yung mga staff nga sobrang alaga na saka nila ako pa kayang P.A nila.

Napaka swerte naman ng BTS na 'to, ang daming nag aalaga at nag mamahal saka nila. Pero ang gusto kong itanong saka nila kung masaya din ba sila.

"Oyy, madam P.A." Napa tingin ako kay Jimin nung tawagin niya ako. "Isuot mo 'to--"

"Jimin pumunta na kana don." Naputol ang sinasabi ni Jimin ng biglang mag salita yung make-up artist niya.

"Sige, 'ohh." Abot niya sa'kin ng mask saka na siya umalis.

Tatawagin ko sana yung make-up artist niya kaso sumunod naman siya kay Jimin. Taka kong tinignan yung mask dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya binigay yun sa'kin.

"Anong gagawin ko dito. Hays." Sabi ko habang naka tingin sa mask.

"Ano bang ginagawa sa mask?" Dahan-dahan ako'ng napa tingin sa gilid ko, unti-unting nanlaki ang mata ko ng makita ko nanaman siya.

Hala!! Tatanungin niya ata ako kung bakit ko sinaksak yung enjection sa kanya!

"Soutin mo yan." Sabi niya pa kaya sinuot ko nalang yun. "Mag Jacket ka." Tumingin ako sa kanya pero hindi siya sa'kin baka tingin kundi sa mga staff habang inaayos niya yung kwelyo niya.

"W-wala kase ako'ng dalang--"

"Alam mo ng sa korea tayo pupunta tapos jacket pa yung naka limutan mo." Kumunot ang kilay ko sa sinabi niya. Napaka yabang naman netong staff na 'to feeling niya tss.

"Sa sobrang kamamadali kase naka limutan ko ng mag dala." Mariin na sabi ko sa kanya saka ko siya inirapan habang pinapatay ko na siya sa isip ko.

"P.A ka tapos wala kang ginagawa." Inis na ako'ng humarap sa kanya, dahil hindi kona kinakaya mga ka epalan ng lalaking 'to.

"Hoy sino ka ba para sabihan ako ng ganiyan. Tumabi tabi ka sa'kin tapos e-epal ka nalang bigla tapos sasabihan mo ako ng P.A ka tapos wala kang ginagawa. Sino ka para sabihan ako ng ganiyan--"

The Savage ManWhere stories live. Discover now