Now playing: Save me by BTS
Para silang mga anghel na kumakanta, nung una nag tatawanan pa sila kase si Jimin nag papatawa.
Ngayon nag uumpisa na silang kumanta.
"Nan sumswigo sipeo i bamis silheo ijen kkaego sipeo kkumsogi silheo
nae ane gathyeoseo nan jugeoisseo
Don't wanna be lonely, just wanna be yours."Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwala na ang ganda ng boses ni Jimin. Parang naipit yung boses niya dahil parang pang bata.
"Wae iri kkamkkamhan geonji nigga
eopneum i goseun
wiheomhajanha manggajin nae moseup. Guhaejwo nal nado nal jabeul sueopneum."Para akong kinalibutan sa boses ni Jungkook, para lang siyang bumubulong pero ang lakas ng impact nito. Hindi ko alam pero nag eenjoy akong panoorin sila.
Kumanta lang sila ng kumanta habang ako naman nag eenjoy pakinggan ang boses nila.
Napa tayo ako sa kinauupuan ko nung marinig ko na nag palakpakan na sila kaya kumuha ako nang tubig na nasa tabi ko, binigyan ko sila isa-isa non dahil alam kong nanunuyo na ang mga lalamunan nila.
"Madam P.A! Narinig mo ba yung boses ko?" Mayabang na sabi ni Jimin nung abutan ko siya ng tubig.
Hindi ko matatanggi na maganda ang boses nilang lahat dahil sobrang ganda naman talaga, parang gusto ko tuloy kipag mashup yung kanta nila tsaka yung ginagawa kong kanta.
Pero AYOKO, ayokong nasasama sila sa kwento ng buhay ko. Panget man pakinggan pero yun ang gusto ko.
"Ikaw pala yun, akala ko bata yung kumanta." Pinilit kong hindi tumawa nung inasar ko siya.
Ngumuso naman siya sa'kin.
"Ayaw mo lang sabihin na maganda naman talaga yung boses ko." Mayabang na sabi niya.
Hindi kona sinagot kaya kumuha pa ako ng tubig saka inabot kay Hoseok.
Tinignan ko ng masama si Hoseok pero hindi leteral na masama, ngumiti naman siya sa'kin tsaka siya tumalikod pag kuha niya ng tubig sa'kin.
Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong papunta siya kila Yoongi.
"Hindi ka ba nilalamig?" Bumalik kay Jimin ang tingin ko nang bigla niya akong tinanong.
Naka tingin siya sa damit ko habang pataas baba siya ng tingin.
Nilalamig ako pero kaunti lang dahil medyo makapal naman ng kaunti yung suot kong damit.
"A-ahh hindi naman." Sagot ko sa kanya.
"Yan ka nanaman. May extrang jacket don oh." Turo niya sa'kin ng jacket na naka sabit sa tabi ng pinto.
Mabait naman pala tong bulinggit na to. Pero hindi ako sira para mag suot ng hindi sa akin.
"H-hindi na, ayos na ako dito." Palusot ko sa kanya.
Umupo nalang ako ulit sa sofa saka tumingin saka nila. Taka akong napa tingin kay Jimin dahil lumapit siya sa mga jacket na naka sabit malapit sa mga pinto.
Napa kagat nalang ako sa labi ko saka yumuko dahil sa pink na pinili niyang jacket.
"Yan bagay!" Pilit ngiti akong tumingin sa kanya ng makalapit na siya sa'kin.
Inabot niya sa'kin ang baduy at nakakadiring pink jacket. Pilit ngiti akong umiling sa kanya.
Baduy na nga tong damit ko tapos pasusuotin mo pa ako ng mas baduy na jacket!? Hell no way highway!
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI