AUBREY DEI'S POV
"Gising na.." Naramdaman kong nag kumakalabit sa akin kaya dahan-dahan kong binuksan ang mata ko, agad akong napabangon nung makita ko si Jungkook na nasa harap ko.
"Andito na tayo." Napatayo ako dahil sa sinabi niya at tumingin sa bintana.
Gusto kong tumalon nung makita kong naka napag na ang eroplanong sinasakyan namin. Kahit na excited akong bumaba pilit kong ipinakalma ang sarili ko, kinuha ko ang bag ko at sumabay na nag lakad kasama sila Sarah.
"Akala ko may war na magaganap kahapon." Napalingon ako kay Dhin nung mag salita siya.
"Akala ko nga din eh, pero nakita ko si Suga na hila-hila si Suran tapos pumasok sila sa papuntang hallway." Natulala ako dahil sa sinabi ni Kim, siguro kaya sila mag kasama kahapon. Napairap nalang ako saka binilisan ang pag lalakad dahil ayoko ng marinig ang mga susunod na sasabihin nila.
Pakiramdam ko gusto kong tumalon sa saya nung makita ko na andito na talaga ako. Kung panaginip man lang to sana wag na ayokong magising.
Lumabas kami ng airport at shempre hindi mawawala ang mga taong nag sisigawan sa labas at mga report.
Sabi nila Dhin wag na daw akong sumabay saka nilang lumabas dahil baka maipit lang ako tulad ng nangyari kanina. Dahil hindi ako naka tulog dahil kay Yoongi. Tse. Ayoko ng banggitin ang pangalan niya. Mr, Savage Man! Nag sisisi ako kung bakit ko pa kailangang maging malapit don, sayang lang yung mga masasayang ginawa namin. Ayoko na sa kanya, actually ayoko lahat saka nila. Pero iba na talaga, ayoko sa kanya sagad hanggang buto.
Ilang saglit lang akong nakatulog dahil agad nila akong ginising. Pag baba ko sobrang daming tao, habang nag papalinga-linga ako biglang nandilim ang palingid ko dahil may nag baba ng hoddy ko, inis kong tinaas yun tsaka hinanap kung sinong gumawa non. Agad kumunot ang noo ko nung makita ko si Yoongi—este, Mr, Savage Man na naka ngisi sa akin. Inirapan ko nalang siya dahil ayaw ko muna siyang naka usap, pwede din namang wag ko na siyang kausapin. Habang buhay.
"Dito tayo, aubrey dalin mo tong gamit ni Yoongi at dalin sa kwarto niya." Biglang bumaba ang balikat ko nung marinig ko ang sinabi ni Shagella.
Andito kami ngayon sa lobby, walang gaanong tao ang pinili nila para daw wala masyadong makakita sa pito. Binaba ko ang bag ko saka umupo sa sofa, umakyat na ang mga amo ko at kami nalang ang naiwan dito dahil may inaayos padaw sila. Hindi ko ma enjoy ang pag tingin ko sa paligid dahil naiinis ako.
Anong pumasok sa isip niya at ginawa niya yun, nababaliw na ba siya o sadyang trip lang niya ako. Oo alam kong medyo may pagka-mapantrip siya pero bakit ngayon niya lang yun ginawa, ayos naman kami nung mga nakaraang araw ah. Wala akong natatandaang nag kasagutan kami, iniwasan ko lang naman siya nung makita kong mag kasama sila ni Suran.
Bakit ko nga ba iniisip yun!?
Bumuntong hininga ako saka tumayo para pumunta sa kwarto namin nila Dhin dahil ayos na daw yun. Pag pasok ko agad kong binitawan ang bag na daladala ko, napapikit ako nung maalala kong nasa akin pala ang bag ng taong yun. Inis kong kinuha yun pero hindi pa ako nakakalabas tinawag na ako ni Kharen.
"San ka pupunta?" Tanong niya, lumingon ako sa kanya.
"Ibibigay ko lang to sa may ari." Nakangiting sabi ko kahit inis na inis na ako. Bakit ba kase ako ang mag sauli neto.
"Dalian mo kase may kailangan pa tayong ayusin." Saad niya tumango naman ako saka lumabas. Napahawak ako na noo ko nung maalala kong hindi ko pala alam kung san eksaktong kwarto niya pero isa-isahin ko nalang daw bawat kwartong makikita ko.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI