"Hello ako ulit si Jimin." Nakangiting sabi niya. Gusto ko na siyang sakalin ngayon pero may pumasok sa isip ko.
Rules
2: Do not hurt them.Inisip ko yung naka sulat dun sa folder, wag daw silang sasaktan dahil isa daw silang GOLD. Tch! Gold daw!!
"Sir Jimin may kailangan po kayo?" Kahit na mahirap para sa'kin sabihin ang sir sa kasing edad ko lang at sa isang lalake, sinabi ko parin dahil iniisip ko na baka matanggal ako sa trabaho ko kapag hindi ko siya ginalang.
Rules
3: Respect them."Pwede--"
*Krukk!
Nanlaki ang mata ko ng biglang tumunog ang tiyan ko, hinawakan ko ito saka tumingin kay Jimin.
"Tara." Aniya, taka ko siyang tinignan dahil naka tayo na siya ngayon.
"Ha?" Yun nalamang ang lumabas sa bibig ko. Napangiti siya ng hindi ko alam, at hindi ko alam din bakit kung bakit ako hindi naiirita sa lalaking 'to. Siguro dala lang ng matinding gutom ko.
"Sumama ka sa'kin at utos ko yun bilang boss mo." Aniya, bumuntong hininga ako saka tumayo at sinundan siya. May pinasukan siyang isang kwarto at sumunod naman ako, tahimik ito at walang tao.
Dumaretso ito sa refrigerator at may kinuhang maraming pag kain na naka lagay sa lunch box, inilagay niya iyon sa lamesa at isa-isa itong binuksan at nilagay lahat yun sa oven.
Ngumiti siya sa'kin saka tumingin ulit sa ginagawa niya, nang mainit na iyon lahat saka niya inilapag sa lamesa.
"Umupo kana." Utos niya sa'kin, pero hindi ako sumunod nanatili ako'ng naka tayo. Napatingin siya sa'kin ng namalayan niyang hindi ako sumunod sa kanya. "Umupo kana, utos ng boss mo." Aniya, bumuntong hininga ako saka sumunod sa sinabi niya.
Umupo ako sa harap ng lamesa na puno ng pag kain, inabutan niya ako ng kutsara kaya medyo napanguwi ako.
"Busog ako." Pag mamatigas ko.
*Krukk!
"Hindi nag sisinungaling ang tiyan.. kumain kana, wala din ako'ng kasabay kumain." Kinuha ko sa kanya yung kutsara saka kumuha ng kanin. Umupo siya sa harap ko saka umuha ng ulam, kumuha ako ng ulam saka yon tinikman napangiti nalang ako dahil ang sarap non.
"Luto mo?" Tanong ko sa kanya, pero nanatiling nasa pag kain ang atensyon ko.
"Hindi, kay Jin luto lahat ng 'to." Sabi niya tumango naman ako, napansin kong hindi siya kumakain kaya dahan-dahan ako'ng tumingin sa kanya. Naka ngiti siya habang tinitignan ako.
"May dumi ba ako sa mukha?" Sakrastikong sabi ko, natawa naman siya.
Tusukin ko kaya mata neto?
"Wala, natatawa lang ako.. nabanggit sa'kin ni Namjoon na.." Dahan-dahan humina ang boses niya nung tumingin ako ng masama sa kanya. "Hoy! Ganiyan ka maka tingin sa b-boss mo!" Aniya, inirapan ko naman siya.
"Interesado kang malaman kung bakit hindi ko kayo kilala." Mariin kong sabi saka pinag patuloy ang pag kain. "Alam mo ba na hindi ko alam kung bakit pa kita nakaka usap ngayon." Sabi ko, binaba ko ang kutsara ko saka tumingin sa kanya na kumakain ng ice cream.
"Man hater ka?" Aniya, natawa nalang ako ng konte kaya napa tingin siya sa'kin.
"Ayoko sa lalake. Oo. Pare-parehas lang naman lahat ng lalake. Manloloko." Naubo siya sa mariin kong sinabi. Pakiramdam ko babaero 'tong unano esteng lalakeng 'to 'eh.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI