Chapter 17: Selos pt.2

19 5 0
                                    

AUBREY DEI'S POV

Halos mag kakalahating oras na akong nag papaikot-ikot sa loob ng kwarto ko dahil hindi ako maka tulog dahil sa ginawang pag halik ni Yoongi sa pisngi ko.

Hindi ko alam kung paano ako hihinga kanina pag katapos ng ginawa niya. Akala ko kanina mababaliw na ako, muntik ko ng makalimutang huminga dahil sa kanya.

Tumalon ako sa kama tsaka pinag uuntog ang ulo ko don. "Anong ginawa mo Yoongi!" Sigaw ko.

"Sabihin mo lang kung nag seselos ka.. para agad akong maka gawa ng paraan para matanggal ang selos na yan."

"Sabihin mo lang kung nag seselos ka.. para agad akong maka gawa ng paraan para matanggal ang selos na yan."

Pa ulit-ulit bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Yoongi bago niya ako halikan. Hindi ko alam kung bakit ganon ang inasal ko kanina. Ang alam ko lang naman kase ay naiinis ako, napaka bastos naman kase ng ginawa nila habang sila nag uusap ako kumakain lang at nag mumukhang tanga sa harap nila.

Baka nga ata nag seselos ako dahil don, pero hindi! Nainis lang ako sa ginawa nila. Oo, nainis lang talaga ako dahil sa ginawang pag balewala sakin.

Pero hindi ko inaasahang aabot sa ganon yun. Ang gusto ko lang naman kanina mag palamig ng ulo dahil mukhang sasabog na ako dagdag pa yung Suran na yun! Don ako nainis, pero bakit naman kaya ako nainis.

Hindi ko na alam kung anong nang yayari sakin nababaliw na ata ako. Mukha kailangan ko ng alamin ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko ng dahil sa Yoongi na yun!

Tumingin ako sa orasan at alas gis palang kaya alas nuebe palang sa pinas. Agad kong kinuha yung laptop ko. Tinawagan kona si mama kanina at kinamusta ko siya mahigid kalahating oras din ang pag uusap namin saka bumalik yung nang yari kanina samin ni Yoongi.

Tinawagan ko si Shane. Sigurado akong active yun ngayon dahil pusta ako nag hihintay yun ng update ng EXO niya.

Nanlaki ang mata dahil agad niyang sinagot. Kita kong naka face mask siya kaya taka ko siyang tinignan.

"Bakit ganiyan yang mukha mo?" Tanong ko sa kanya. Kita kong namumugto nanaman ang mga mata niya kaya siguro siya naka mask.

Nakwento niya sakin na nag kasagutan sila ng daddy niya, sinabi niya sakin lahat ng nararamdaman niya. Naiintindihan ko si Shane dahil naramdaman ko din yun pero mag kaiba kami ng paraan kung paano mag selos sa mga ama namin.

Nag seselos siya dahil abala ang daddy niya sa pag ta-trabaho. Kung ako ang nasa kalagayan niya mag seselos din ako dahil walang oras ang daddy ko sakin. Simula nung namatay ang mommy ni Shane nawalan na ng oras ang daddy niya sa kanya puro casino at business ang naging buhay ni Tito nakalimutan niya na may anak siya.

"Wala to ubo lang." Palusot niya, hindi magaling mag sinungaling si Shane pag dating sakin masyado siyang nahahalata kapag ako na ang kaharap niya.

"Hindi ka magaling umarte, tanggalin mo na yan." Sabi ko, dahan-dahan niyang tinanggal ang mask niya kita kong namumutla siya. "Dinaig mo pa ako, malamig ba dyan bakit ka namumutla ng ganyan?" Tanong ko sa kanya.

"Sira-ulo, inalalagnat nga ako." Sabi niya. Nakakamiss din pala tong bruhang to. "Kamusta ka dyan? May jowa kana ba?" Asar niya sakin pero inirapan ko siya.

The Savage ManWhere stories live. Discover now