AUBREY DEI'S POV
Natapos na kaming maligo sa dagat ni Yoongi, ngayon nakabalik narin kami sa bahay ng lola niya. Una akong nag banlaw saka nag bihis kapag labas ko ng banyo nakita ko si Yoongi na nakahiga sa kama. Lumapit ako sa kanya, nakita ko siya na natutulog. Umupo ako para mag pantay kami, hinawi ko ang bangs niya. Sobrang ganda ng balat niya na para siyang babae.
Hinawi ko ulit ang buhok niya, nakita ko na dahan-dahang bumukas ang mata niya kaya napangiti ako. Nag tama ang tingin namin.
"Mag banlaw kana para makatulog na tayo." sabi ko sa kanya, umupo siya sa kama at tinabihan ko naman siya. "Napagod kaba kanina?" tanong ko sa kanya, napatingin naman siya sakin. Ngumiti ako sa kanya at ganon din siya sakin.
"Maliligo muna ako." sabi niya saka tumayo at pumunta ng banyo. Hindi ako makatulog dahil nasa banyo pa siya tsaka hindi pa ako inaantok. Maya-maya lumabas na si Yoongi ng banyo nag pupunas siya ng buhok niya, nakita ko na nagulat siya nung makita niya ako.
Lumapit siya sakin saka umupo sa tabi ko. "Bakit gising kapa?" tanong niya kapag tabi niya sakin. Tumingin ako sa kanya pero umiling lang ako saka iniwas ang tingin ko. Hinawakan niya ako sa baba saka nilingon ang ulo ko sa kanya. "May problema ba?" tanong niya na naman pero umiling lang ulit ako.
"Hindi ako makatulog." sabi ko, natawa siya ng konte dahil sa sinabi ko kaya kumunot ang noo ko. Tumayo siya kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Mag lakad-lakad muna tayo sa labas." agad akong napatayo dahil sa sinabi niya. "Mag jacket ka, malamig." agad akong kumuha ng jacket saka iyon sinuot.
...
"Last concert na namin sa Japan next month, tapos si hyung Jin mag mi-military na." napatingin ako bigla sa kanya, nag lalakad kami dito sa dagat habang mag kahawak ang kamay.
"Ibig sabihin mag di-disband na kayo?" tanong ko sa kanya, tumango naman siya. Bigla akong nalungkot dahil kita ko sa mata niya, mas lalo kong hinigpitan ang pag hawak ko sa kamay niya. "Sigurado ako na maraming malulungkot, lalo na 'yung mga fans niyo." sabi ko. Umupo kami sa kahoy na upuan sa harap ng dagat.
"Mas malulungkot kami kase matagal namin silang nakasama." sabi niya kapag upo namin. "Pero babalik din naman kami kapag tapos ni hyung Jin sa military." nakangiting sabi niya.
"Tinanggap ko 'yung offer ni Jade na maging chef nila sa bagong restaurant ng daddy niya." napatingin siya sakin nung sabihin ko iyon, nakita ko na kumunot ang noo niya.
"Bakit mo tinanggap 'yun? Alam mo naman na maiinit ang dugo ko sa mayabang na Jade na 'yun." kunot noong sabi niya, hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya.
"Yoongi, matagal ko ng gustong maging chef ulit. Alam mo naman na pangarap ko 'yun 'di ba?" kumunot na naman ang niya dahil sa sinabi ko.
"I can build a restaurant for you. Hindi mo na kailangan mag trabaho don." natawa ako dahil sinabi niya at medyo kinilig naden.
"Alam ko naman na kaya mong gawin 'yon." sabi ko sabay hawak sa pisngi niya. "Pero gusto kong maging chef, besides hindi ko matanggihan 'yung daddy ni Jade." iniwas niya yung tingin niya sakin.
"Gusto mo talaga 'yun?" tanong niya habang hindi nakatingin sakin.
"Tumingin ka nga sakin." sabi ko, sumunod naman siya sakin. "Sa restaurant ng daddy ni Jade ako mag tatrabaho hindi kay Jade." natatawang sabi ko pero hindi nag bago ang reaksyon niya kaya naman hinalikan ko siya sa pisngi niya na ikinagulat niya. Kilala ko si Yoongi, ako ang kahinaan niya.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI