AUBREY DEI'S POV
*Knock! *Knock!
"Ano ba yan..." Bulong ko, tinignan ko yung orasan at halos maibato ko yung orasan ko nung makita kong ala una palang ng umaga. Inis akong napabangon sa higaan ko nung marinig kong may kumatok na naman.
Puñeta, hindi man lang ako patulugin ng pitong oras!
Binuksan ko yung pinto at dahil medyo malabo ang paningin ko kinusot-kusot ko muna ang mata ko at napaatras ako nung makita kong si Jungkook. Naka jacket siya at shempre naka hoddy na naman.
Hindi naman siya mahilig sa jacket na may hoddy noh.
"Oy, ikaw pala." Sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya sakin. Napahawak siya sa batok niya kaya taka ko siyang tinignan. "A-ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede kaba..." Dahan-dahan humina ang boses niya kaya taka ko siyang tinignan.
"Pweding?" Tanong ko sa kanya.
Umangat ang ulo niya. "T-tara kape tayo." Nakangiting sabi niya.
Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya, Jusme! Ang aga naman ng pakape ng lalaking 'to.
Mapait akong ngumiti sa kanya. "M-mag j-jacket lang ako." Saad ko tumango siya habang nakangiti. Sinuklian ko siya ng ngiti saka ko sinara ang pinto.
Napahawak ako sa noo ko, bakit naman kaya nag aya yung ng ganto kaaga. Hindi paba siya natutulog? Hindi ba siya pagod?
At dahil wala na naman akong choice kundi sumama sa kanya. Dahil trabaho kong sundin lahat ng sasabihin ng mga amo ko.
Kumuha ako ng jacket sa maleta ko, sinuot ko yung tsaka may napansin akong bracelet na nakapatong sa lamesa. Nilapitan ko iyon, may nakita akong nakasulat don kaya kinuha ko iyon tsaka binasa.
"To A." Pag basa ka.
To A? Parang may nakita na akong ganto ah.
Napangiwi ako sakaiisip kung saan ko nga ba nabasa yung. Ang alam ko may nag padala nadin sakin na ganon ang handwriting pero hindi ko talaga maalala.
Kinuha ko yung silver bracelet, napangiti ako dahil sa design ng 'A&Y' Ang ganda. Sinuot ko yung at sinunod ang jacket ko. Binuksan ko yung pinto. Nakangiti siyang tumingin sakin, iniwas ko ang tingin ko dahil na aakit na naman ako sa mukha niya.
Ayoko ng na aakit.
Nauna siyang nag lakad. "Sorry, kung ginising kita, hindi kase ako makatulog eh." Saad niya nung mag simula na kaming umakyat.
Nanatili lang akong tahimik at pinag mamasdan ang silver bracelet. Napatingala ako dahil biglang lumamig at laking gulat ko nung makita kong nasa pinataas kami. Sobrang lakas ng hangin kaya pati ang buhok ko ay tinatangay.
"Whaaa!!" Masayang sigaw ko, napalingon ako kay Jungkook nung makita ko siya sa gilid ko. May dala siyang dalawang kape.
Inabot niya sakin yung isa, nakangiti naman akong kinuha yun.
"Masarap yan." Nakangiting sabi niya, tinikman ko iyon.
Napangiti ako. "Masarap nga." Saad ko. Tumabi siya sakin saka tumingin sa mga magagandang ilaw.
Nakita ko na naman ang ilong niyang napaka tangos at ang buhok niyang nag sisiliparan. Sa bawat titig ko saka nila dun ko lang nakikita na ang gwapo pala talaga nila, isa narin siguro sa dahilan kung bakit sila sikat dahil ang ga-gwapo nila.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI