AUBREY DEI'S POV
Parang may kung anong paroparo sa tiyan ko nung sabihan niya ako ng I love you. Naligo ako saglit, hindi muna ako bumaba para kumain. Hindi ko alam pero pakiramdam ko busog ako, kahit na kahapon pa akong walang kain. Basta gusto lang mag pahinga ng katawan ko.
Nakita ko kapag gising ko na ang daming text at tawag ni Shane pati narin ni Jade. Alam na siguro nila na bumalik na si papa na may dalang malaking pasabog. Mukhang nakatulog ako kagabi na namumugto ang mata. Siguro napagod na 'yung mata ko na umiyak tsaka siguro wala na siyang mailabas kaya nag pahinga muna siya.
Nag bihis ako, nag padjama lang akong black saka nag jacket. Hindi naman malamig pero trip kong mag jacket saka mag pajama. Pupunta lang naman ako kay Shane kasama si Chimie. Namiss ko 'tong aso ko.
Binuhat ko si Chimie saka hinalikan. "Namiss ka ni mommy.." Saad ko saka siya kiniliti. "Madami na akong atraso sayo kaya ililibot kita." Sabi ko, dinilaan niya naman ako sa kamay kaya napangiti ako.
Sinara ko ng dahan-dahan 'yung pinto ko, akala ko kase tulog pa si mama pero narinig kong may nag luluto sa baba kaya naman bumagsak ang balikat ko. Bumaba ako, akala ko hindi ako mapapansin ni mama pero tinawag niya parin ako.
"Oh gising kana pala anak." Napatingin ako kay mama, nakita ko na nag luluto siya. "Halika't sumabay kana sa papa mo para makakain na kayo." Natigilan ako bigla. Naalala ko nung highschool ako, sa twing papasok ako ng school gantong-ganto yung pwesto namin. Kakain kaming tatlo na sabay-sabay, tapos nag mamagic pa si papa. Pero matagal na 'yun.
"Busog pa ako ma, sige punta muna ako kila Shane." Malamig na sabi ko, hindi ako tumingin kay papa. Nasanay ako eh, nasanay akong wala siya.
Nag lakad ako papunta kila Shane pero palapit na sana ako saka nila pero may kotseng inim na sports car sa harap ko. Sino ba 'to, mukha bang parking lot 'yung harap ko? Binaha niya 'yung salamin ng kotse niya kaya naman tumingin ako don.
Isang babaeng nakasalamin na blonde ang buhok. "Hi miss, pwedeng mag tanong?" Mukha ba akong tanungan? Pero sige, kahit na ang pangit ng aura ko ngayon.
"Ano 'yun?"
"Saan 'yung Sebastian House dito?" Nanlaki agad ang tenga ko, Sebastian? Sila Jade ba ang hanap niya? Pero walang bahay sila Jade dito sa subdivision.
"Ahh, sorry hindi ko alam eh, pwede mag tanong ka dun sa bodyguards sa entrance." Sabi ko, ngumiti naman siya.
"Okay, thanks." Sabi niya saka na umalis.
Sebastian? Bakit biglang pumasok sa isip ko si Jade. Speaking of, nakita ko 'yung kotse ni Jade sa harap ng bahay nila Shane. Bakit siya nasa bahay nila Shane, teka. Close naba sila ng bestfriend ko? Agad akong pumasok sa bahay nila Shane.
Agad kong hinanap si Shane pero hindi ko siya makita. Sa laki ba naman ng bahay nilang 'to, jusko maliligaw ako. Buti nalang nakita ko yung kasam bahay nila.
"Ate Tess si Shane po nasaan?" Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Nasa garden siya, kasama 'yung lalaking gwapo." Gwapo, siguro si Jade na 'yun. Pero hindi mag sink sa utak ko kung bakit andito si Jade. Gusto ko sanang masolo ang bestfriend ko para matanggal 'yung lungkot ko kahit papano pero bakit dalawang bestfriend 'yung andito. Isang bestfriend tsaka isang ex-bestfriend.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI