Chapter 37: Palawan

32 6 0
                                    

AUBREY DEI'S POV

"Nasaan naba kase yun." Nakangusong tanong ko sa sarili ko. Bigla akong nagising dahil nag text sakin si Yoongi na mag kita kami sa lobby pero wala siya.

Kahit na alas dose na pinilit ko paring tumayo kahit antok na antok na ako. Gusto ko kaseng malaman kung bakit niya ako iniiwasan at kapag hindi katanggap-tanggap yung sasabihin niyang paliwanag hindi ko na talaga siya mapapatawad. Never.

Napahinto ako dahil sa sobrang ganda ng paligid. Hindi pa ako nakapunta dito. Ang totoo talaga kaya hindi ko masagot yung tanong ni Jimin sa akin kung ano ba daw ba yung itsura ng palawan hindi ko yun masagot kase kahit ako hindi pa naka punta dito.

"Hi." Napatingin ako sa harap ko nung marinig ko iyon. Agad na kumunot ang noo ko, siya yung lalaking nakatingin sakin kanina nung bumaba ako ng sasakyan ah. Sheteng malagket na dumidiket! Napaka creepy naman ng lalaking 'to, sayang gwapo pa naman.

"Do I know you?" Sakrastikong saad ko, ganyan ako makipag usap kahit kanino. Este sa mga hindi ko lang pala kilala.

Gabi na pero naka shades parin siya. Wow, pak na pak taas ng araw ah. Natawa siya dahil sa tanong ko. Hala may nakakatawa ba sa sinabi ko o baka naman mali yung english ko? Pero hindi ako pweding mag kamale. Magaling ata ako sa english.

"May dumi ba sa mukha ko mister shades?" Sakrastikong tanong ko dahil kahit naka salamin siya kita ko na nakatingin siya sakin.

"You're so beautiful." Sakto akong napa lunok dahil sa sinabi niya. Taena, sino ba 'to?! Kilala ko ba siya. Oo alam kong maganda ako pero hindi ko akalain na sasabihin niya yun.

"Kung wala ka ng sasabihin pwede ka ng umalis." Inis na sabi ko pero ngumiti lang siya sakin. Bakit ganto mga tao ngayon! Nakakakilabot!

Muntik ko ng makalimutan si Yoongi. Shoot! Nasaan naba kase yun. "Kung ayaw mong umalis, ako nalang aalis para sayo." Sabi ko bago pa ako makahakbang naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa braso ko.

"I'm still here for you." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Limang segundo bago ako makakilos dahil sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na umalis na pala siya sa harap ko.

"Nakakatakot siya.." Bulong ko sa sarili ko, may lalaking na namang lumapit sakin pero may katandaan na siya. Bakit ako nilalapitan ng mga lalaki!

"Nako kuya kung ganon din yung sasabihin mo sakin pwede ka ng umalis." Daretsong sabi ko sa kanya pero natawa siya.

"Ano po yung mam?" Tanong niya. Mukha alam niya kung ano ang ibig kong sabihin. "Pasensya kana po mam meron na akong asawa at mahal na mahal ko ho iyon." Naubo ako dahil sa sinabi niya.

Shook! Nakakahiya!

Napakamot nalang ako sa noo ko dahil sa kagagahan ko. Nanlaki ang mata ko nung may iabot sakin ni manong yung isang pirasong bulaklab. "Pinabibigay po sa inyo." Bago pa ako makapag salita nilayasan niya na ako.

Literal akong napanga-nga dahil don. Hindi pa nakakalayo si manong may lumapit na naman saking batang babae.

"Ate, pinapasabi ng nag papabigay sa inyo. Mas maganda kapa sa mga bulaklak na yan." Napangiti ako dahil sa sinabi niya bago siya umalis.

Alam kona kung sino ka....

Hahakbang na sana ako pero may lumapit na naman sakin dalawang bata at para silang kambal kase mag kamukha sila. Nakangiti akong tumingin saka nilang dalawa.

May inabot na naman sakin na isang pirasong bulaklak at may sulat pa.

'Ikaw ang anghel ng buhay ko, it means nag-iisa ka lang sa buhay ko, it means you're special. Mas special pa sa special adobo mo.'

The Savage ManWhere stories live. Discover now