AUBREY DEI'S POV
Panibagong araw panibagong buhay!
Sobrang gaan parin ng pakiramdam ko. Masaya kong binuksan ang bintana dahil umaga na. Napatingin ako sa bracelet na naka sabit sa kamay ko.
At dahil wala ang uniform ko dito tsaka sinabi ni Mr, PD nim ay huwag na muna daw akong mag uniform kaya sobrang saya ko na naman dahil hindi ko na naman isu-suot ang baduy na pink dress na iyon.
May rehearsal sila ngayon kaya kailangan kong maging maaga. Naamoy ko yung niluluto ko mula sa kusina.
Pinag hiwalay ng mga staff ang kwarto ko at kwarto ng mga make-up artist dahil daw galing ako sa sakit. Medyo nakaka offend yun pero ayos na din baka bumalik nga na naman ang sakit ko at mahawa ko sila.
Hinalo ko ang niluluto ko, napangiti ako dahil sa mabangong amoy neto. Pinatay kona yung kalan saka ko nilagay sa isa malaking lunch box yung niluto ko saka ko iyon nilagay sa isang paper bag.
Nag punas ako nag kamay sa kinuha yung bag. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko. Siguro dahil sa nangyari kanina sa lahat ng sinabi ni Jungkook sakin.
"Madam P.A!" Napahinto ako sa pag lock ng pinto nung marinig ko ang boses ni J-Hope.
"Oyy!" Nakangiting tawag ko sa kanya, lumapit siya sakin saka napatingin sa dala ko.
"Ano yan?" Tanong niya habang tinitignan yung dala ko.
Binulsa ko yung susi saka tumingin sa kanya. "Pinapaluto ni Jimin." Natatawang sabi ko kinuha niya naman yun paper bag na hawak ko.
"Talaga, tara na gusto kona matikman to." Natawa ako dahil sa sinabi niya.
Binitbit niya yung dala ko saka nag simula na kaming mag lakad.
"Kanino galing yan?" Napalingon ako sa kanya nung bigla siyang mag tanong, nakatingin siya sa bracelet na suot ko.
"Ah, hindi ko alam eh nakita ko nalang na naka patong sa lamesa koto kaya sinuot kona." Natatawang sabi ko bago niya buksan yung isang pinto.
Sobrang laki ng luob neto pero wala ni kahit na anong gamit ang andito. Nakita ko si Jimin na kinakausap sila Namjoon hinanap ng mata ko si Jungkook pero wala siya hanggang sa maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Nung pag lingon ko agad akong napangiti dahil si Jungkook iyon.
"Wow, may pa launch ang friend ko." Natatawa ako dahil sa sinabi niya. Mag sasalita na sana ako nung maramdaman kong may humila ng kamay ko.
Biglang nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang lakas ng pag hila niya ng kamay ko eh napahawak ako sa dibdib niya. Naramdaman kong sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Seryoso siyang nakatingin sakin. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa dibdib niya at napayuko.
Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa bracelet ko at nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sakin atsaka ako binitawan at nag lakad na palabas.
"Nyare dun?" Narinig kong sabi ni Jungkook pero nakipid balikat nalang ako.
Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil bumibilis na naman yung tibok ng puso ko. Laging siya nalang ang dahilan ng pag tibok ng puso ko at pag tigil ng mundo ko. Napangiti ako dahil nakita ko na naman siyang ngumiti sa harap ko.
Hays! Ikaw talaga Mr, Savage Man.
YOONGI'S POV
"Tatlong araw nalang bago ang concert kaya alagaan niyo ang kalusugan niyo." Alalang sabi ni Hyung Namjoon. Tumango naman kaming lahat.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI