"Aish. Akala ko pa naman ma eenjoy ko yung tulog ko, jusko halos tatlong oras lang yung tulog ko!" Inis na sabi ko sa sarili ko habang nag aayos ako ng damit ko.
Naka harap ako ngayon sa salamin at suot-suot ko ang pinaka baduy na damit na nakita ko habang nag susuklay.
Gusto kong mag palit ng damit dahil sobrang baduy at nakakasuka ang damit na to, tsaka mukha akong istudyante kapag pinaka titigan mo ako dahil may ribbon pa sa bandang leeg neto!
Pinagpag ko yung palda ko saka ngumiti at lumabas, nakita ko si Sarah na nag lalock ng pinto niya kaya nilapitan ko siya.
"Good morning." Masayang bati ko sa kanya.
Lumingon siya sa'kin saka siya ngumiti. Lumapit ako sa kanya.
"Paalis kana?" Tanong niya sa'kin nung pag lock niya ng pinto saka niya binulsa ang susi neto.
"Mm.. sabay na tayo?" Aya ko sa kanya tumango naman siya saka kami nag lakad ng sabay.
"Ahh.. pwede akong mag tanong?" Malambing na sabi ko sa kanya tumingin naman siya sa'kin saka nag salita.
"Oo naman, ano ba yun?"
Gusto kong itanong sa kanya kung anong ugali ang BTS kaso baka ma offend siya kapag tinanong ko sa kanya yun.
Tsaka hindi naman talaga interesado kung anong pag uugali ang meron sila, pero mas maganda na din na kilalanin ko sila para maganda ang pakikisama ko at matapos na lahat ng to. Tsaka mas maganda na din na kilalanin ko ang mga taong pag sisilbigan ko at para mabayaran kona si Mr, PD nim tsaka maka uwi na din ako.
"Wag ka sanang magalit ha, gusto ko lang itanong kung anong ugali ang meron ang BTS."
Malambing ang tonong sinabi ko sa kanya yun, natawa naman siya ng kaunti kaya nakitawa nadin ako.
"Gusto mo bang isa-isahin ko sila sayo?" Masayang tono niya habang naka ngiti, naka ngiti din akong tumango sa kanya. "Sino ba ang uunahin ko?" Tanong niya.
Gusto ko munang makilala yung Hoseok na yun! Nag iinit talaga ako dun dahil muntik na akong masiraan ng bait dahil sa kanya, halos mabaliw ako nung nasa airport ako para lang dun sa cellphone niyang yun!
"Si Hoseok." Daretsong ani ko.
"Si Hoseok, makulit yun. Actually lahat naman sila makulit haha, mabait siya tsaka medyo may pag ka malambot siya kung gumalaw pero hindi naman siya beki. Purong lalake lahat sila sadyang makulit lang talaga sila tsaka masiyahin."
Ahh, kaya pala talaga ang kulit niya. Tsaka hindi ko naman napansing malambot siya kung gumalaw halos napansin ko nga saka nilang lahat, si Hoseok lang ang walang butas ang teinga tsaka wala siyang hikaw hindi tulad ng lima pa nilang kasama.
"Pangalawa naman si Seokjin, si Seokjin yung pinaka matanda saka nilang lahat. Alam mo bang siya yung parang nanay nila hahahaha."
Napansin ko ding lagi niyang pinag sasasabi yung iba pa niyang kasama. Pero saka nilang lahat mas nakita ko na siya yung perfect man kung tatawagin.
Kung titignan mo kase si Seokjin siya yung lalaking hindi gagawa nang hindi maganda. Siya yung ideal man ng mga babae kase sobrang perfect talaga niya para maging asawa o boyfriend pero kapag tumawa na siya. Jusko bye world kana talaga.
Kinwento niya sa'kin lahat ng pag uugali ang meron ang BTS si Taehyung daw yung pinaka makulit saka nila tsaka si Jimin at Jungkook. Akala ko si Jimin ang pinaka makulit saka nilang lahat kase siya palang yung nakakausap ko ng matino. Hindi ko pa nakakausap yung Taehyung pero napansin ko na may kahawig siya pero hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI