Chapter 46: Tell to ARMY

13 4 0
                                    

AUBREY DEI'S POV

"Hindi ba sasama ka?" Tanong ko kay Shane habang nag bibihis. Nag cecellphone siya habang nakadapa sa kama ko.

Ang kapal talaga ng mukha..

"Yes, sasama ako." Sagot niya.

"Ano sabay kana samin?" Tanong ko ulit sa kanya, napatingin naman ako nung bigla siyang bumangon mula sa pag kakadapa niya sa kama.

"Kahit kelan napaka gaga mo talaga." Saad niya saka siya lumapit sakin at sinuklayan ako. "Shempre time niyo 'yun together, eepal paba ako?" Natatawa akong tumingin sa kanya.

"Bakit kelan kaba hindi naging epal huh?" Asar ko sa kanya, ngumuso naman siya kaya natawa ako. "Sige na, basta text mo ako kapag andun kana hah." Nakangiting sabi ko ngumiti naman din siya.

Sabi ni Yoongi sa'kin ngayon daw concert nila sa manila, isasama niya daw ako kase may mahalaga siyang gagawin hindi niya naman sinabi sakin kung ano 'yun. Umalis si mama para daw sa business niya kaya naman si Shane na muna yung maiiwan dito sa bahay.

Bumaba ako ng hagdan kasabay si Shane. Nakita ko si Yoongi na naka upo sa sofa, hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa twing tumitingin ako sa kanya. Pakiramdam ko nag huhugis puso yung mata ko kapag nasisilayan ko ang mukha niya.

Lumapit ako kay Yoongi agad naman siyang tumayo at tinignan ang kabuonan ko. Medyo nahihiya ako baka hindi maganda yung suot ko.

"P-panget ba?" Nauutal na tanong ko sa kanya, baka naman kase hindi bagay yung damit na sinuot ko. Umangat ang kanyang tingin at nakangiting hinawakan ang kamay ko.

"Ang ganda mo." Kasabay ng pag bigkas niyang yun ang biglang ngiti ko. Kahit kelan talaga, hindi siya pumalya na pakiligin ako.

Narinig kong natawa si Shane pero hindi ko lang siya pinansin.

"Okay, tama na 'yan mabuti pa't umalis na kayo." Saad ni Shane habang tinutulak kami palabas ng bahay. "Ingay kayo hah." Sabi niya saka kumaway.

"Text mo ako hah!" Pag papaalala ko sa kanya, tumango naman siya. Tumingin ako kay Yoongi nung pag buksan niya ako ng pinto.

"Ang aga aga pinapakilig mo na naman ako hah." Nakangusong sabi ko, natawa naman siya.

"Masanay kana, kase sayo na niya'n iikot ang mundo ko." Sabi niya pa.

"Bolero ko talaga." Kinikilig na sabi ko.

"Wala sa bukabolaryo ko ang mambola." Aniya, natawa naman ako saka pumasok sa kotse.

Buong byahe kulitan kami ng kulitan, walang oras na hindi kami tumawa. Minsan hindi ko parin maiwasang kiligin lalo na kapag may mga line siyang binibitawan na nakakakilig.

"Andito na tayo." Napatingin ako sa bintana nung bigla siyang mag salita, taka akong napatingin.

"Bakit tayo andito? Akala koba sa concert?" Tanong ko, ngumiti naman siya.

Hindi niya ako sinagot at lumabas nalang siya kaya naman napa kunot ng bahagya ang noo ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse wala akong choice kundi bumaba at takang tumingin sa kanya.

"Ano ba talagang gagawin natin dito? Maganda naman yung damit mo hah—" Nanlaki ang mata ko nung hilain niya ako. Hays, kahit kelan talaga napaka bossy ng lalakeng 'to.

Pumasok kami sa isang store ng damit, natawa ako ng bahagya dahil pambabae lahat ng damit na ito may balak ba siyang mag palit ng damit tapos pang babae pa?

The Savage ManWhere stories live. Discover now