AUBREY DEI'S POV
"Okay ayos na ba yang gamit niyo?" Dinig kong tanong ni Sarah, naramdam kong may tumapik ng braso ko kaya napadilat ang mga mata ko at nakita ko si Alexia.
"Ayusin mona yung mga gamit mo at maya-maya aalis na tayo." Tumango ako sa kanya, tumayo ako mula sa pag kakahiga ko sa sofa dahil wala pa akong tulog, pag uwi namin ni Jungkook agad sinabi ni Sarah sakin na ayusin kona ang mga gamit ko kase aalis na daw kami papuntang USA.
Sobrang sakit ng likod ko dahil kanina, dagdag pa sa ginagawang pag luto namin ni Seokjin kanina kaya halos wala akong tulog, actually wala naman talaga ako tulog.
Medyo nawala ang antok ko kanina nung marinig ko na aalis na kami pero akala ko nawala na nang tuluyan pero hindi pala.
Inayos ko ang damit ko at binitbit ang isang maleta ang isang bag na dala ko, nakita ko si Kharen na hindi niya mabitbit ang dala niya kaya tinulungan ko na siya.
"Wag na, ano kaba." Bawal niya sakin nung bigla kong kunin, kinuha niya yun sa akin kaya wala na akong nagawa. "Ouy, mag kasama kayo ni Guk kanina ah." Napalingon ako sa kanya dahil sa kinikilig na tono niya.
Natawa ako. "Ouy, wala yun." Natatawang sabi ko tumawa din siya saka na kami lumabas.
Kapag labas namin, kita ko agad ang bintana na halos walang liwanag ang sumalubong sakin dahil ang aga pa. Kapag tingin ko sa relo ko gusto kong mamura dahil alauna palang.
Jusme di niyo muna ako pinatulog.
Wala akong magawa dahil trabaho ko to, ayan na naman ako sa trabaho. Habang nag lalakad kami ni Kharen hindi ko maiwasang hindi isipin yung nangyari kahapon. Hindi ko paborito ang fireworks pero nagandahan ako.
Sobrang saya ko kahapon lalo na nung nalaman kong siya pala yung tinulungan ko sa ospital. Dagdag pa nung pumunta kami sa Game station, parang bumalik yung pag kabata ko.
Pag labas namin ng Bighit E. Gulat akong napatingin sa mga nag sisigawang babae sa gilid ko, halos malaglag ang puso ko nung nag sisitakbo sila palapit sakin, pero akala ko sa akin sila pupunta yun pala dinaanan lang nila ako at dahil sobrang dami nila nabangga nila ako kaya napaupo ako sa sahig. Inis akong tumayo at tumingin saka nila, kita kong hinaharangan sila ng mga gourds para hindi maka lapit kila Jimin.
Pag bukas ko ng pinto ng van na sinabi ni Kharen bigla akong natigilan dahil nakita ko silang lahat, biglang umurong ang dugo ko nung makita ko sila. Ngumiti ako saka nila dahil lahat sila nakatitig sa akin, mukhang naistorbo ko ata sila.
Ngumiti ako at kinapalan ang mukha ko. "D-dito daw ako sasakay." Nakangiting sabi ko, hindi ko magawang tignan si Yoongi kahit na alam kong nakatingin siya sakin.
"Aubrey, dito tayo." Napalingon ako sa gilid ko ng hawakan ako ni Dhin sa braso at hilain ako.
Umiling ako. "Pero sabi ni Kharen dito daw ako." Pag papaliwanag ko pero umiling siya. Sinara niya ang pinto saka ako hinila.
Natawa siya. "Mali yan, sabi niya itim tsaka maliit na van hindi itim na van lang." Natatawang sabi niya, napakamot ako sa ulo ko dahil sa kagagahan ko.
Pag pasok ko sa isang van nakita ko si..
Siya?!!
Muntik na akong mapa mura dahil nakita ko siyang natutulog. Hindi ako pweding mag kamali dahil siya yun lalaking nakita ko nung first day ko sa trabaho ko, yung lalaking nag alok sakin ng burger. Dahan-dahan akong naupo sa single na upuan pero mag katabi lang kami. Nakanga-nga ba talaga siya kung matulog?
YOU ARE READING
The Savage Man
Romansa"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI