"Anak, si papa bumalik na."
Hindi ako makapaniwala na natatawag niya akong anak kapag katapos ng ginawa niyang pang iiwan samin ni mama. Ang kapal niya naman para bumalik pa, matagal niya na kaming tinalikuran ni mama at matagal narin namin siyang tinalukuran ni mama. Kapag katapos ng ginawa niyang panggagago samin ni mama?
"Sweetie ayos ka lang?" Bumalik ako sa realidad nung marinig ko ang boses ni Yoongi. Nung makita ko si papa mabilis kong hinila si Yoongi palabas ng bahay, ayaw ko na makita niya ako kung paano umiyak at magalit.
"Ayos lang ako." Walang gana kong sagot sa kanya, ngumiti pa ako kahit na gusto ko ng umiyak.
"Gusto mo mag palamig muna tayo?" Tanong niya, napayuko ako. Bakit kailangan makita ako ni Yoongi na ganto, bakit ngayon pa.
Kapag katapos lahat ng nangyari saka siya babalik ng ganon-ganon nalang. Ano, wala ba siyang naalala basta nalang siya uuwi sa bahay tapos sasabihin niya na bumalik niya siya. Hindi ko siya mapapatawad, sinaktan niya si mama tapos ganon nalang.
Flashback
Masayang pauwi si Aubrey ngayon saka nilang bahay galing sa iskwela. Birthday kase ng kanyang papa. Matagal ng nag bago ang papa niya simula nung maospital ang mama niya. Mahigit isang taon narin nung nangyari iyon.
"Ma andito na ako!" Masayang sabi niya mula sa labas ng bahay nila saka pumasok. Hinanap ng mata niya ang kanyang mama pero hindi niya ito nakita.
"So totoo nga! Matagal mona kaming niloloko ng anak mo!?!" Napatingin si Aubrey sa kwarto sa itaas nung marinig niya ang boses ng kanyang mama.
"Sabing hindi nga 'yan totoo!" Sigaw pabalik ng kanyang papa. Alalang umakyat si Aubrey pero hindi siya pumasok sa kwarto nung makarinig siya ng basag ng kung anong babasaging bagay.
"Hindi totoo?! Kaya pala sarili mong anak alam 'yang kagaguhan mo?!" Sigaw pa ng mama niya.
"Na papraning ka na naman! Bwisit naman oh, matagal na ngang nag bago yung tao tapos sasabihin mo na nambabae ako!"
"Bakit hindi ba talaga totoo! Eh eto ano 'to!" Tinapat ng kanyang mama ang cellphone niya na picture ng papa niya kasama ang babae nito.
Natahimik ang papa niya.
"Lumayas ka dito!!" Sigaw ng mama niya.
"Talagang lalayas ako! Bwisit, emperno tong bahay na'to!"
End of flashback
Ang sakit parin talaga, kahit na ilang taon na yung nakalipas at pilit kong inaalis ang lahat hindi ko pari makalimutan. Akala ko kase dati nung nag bago na si papa akala ko perfect family na ulit kame, akala ko forever na yun, pero hindi pala. Niloko niya parin kami ni mama.
Napayuko ako nung maramdam kong palapit si Yoongi saka mabilis na pinunasan ang mga luha ko.
"Baka sipunin ka." Aniya saka may nilagay na jacket sa balikat ko at tumabi sakin. "Pwede ka namang mag kwento sakin sweetie, I'm your boyfriend im also your hero." Napatingin ako sa kanya saka natawa ng bahagya. Kahit sa gantong sitwasyong nagagawa parin niya akong pakiligin.
"Wag na, ayaw kong umiiyak sa harap mo." Saad ko saka yumuko at patuloy na umiyak. Bakit ganto, kahit anong gawin kong pag pigil sa luha ko mistulan siyang gripo na walang tigil sa pag buhos.
Inangat ni Yoongi ang ulo ko saka tumingin sa mata ko. "Alam ko na masakit 'yan." Sabi niya saka tinuro ang puso ko. "Pero hindi maalis ang sakit niyang kung hindi ka mag papatawad." Dagdag niya pa.
YOU ARE READING
The Savage Man
Romance"I love you until the scientist find the end of the universe." -MIN YOONGI