Chapter 47: You're mine

17 4 0
                                    

"Aubrey si Macoy nasa baba." Napadilat ng dahan-dahan ang mata ko. Ang aga-aga andito si Jade, ano naman kayang kailangan niya.

Ano naman kayang pinunta dito ni Jade? Nag hilamos ako saka ako nag sipilyo saka ako bumaba ng kwarto para harapin si Jade pero nagulat ako nung makita kong may hawak siyang bulaklak. Taka akong lumapit sa kanya.

"For you Dei." Aniya habang nakangiti, tinignan ko ang bulaklak. Hindi na talaga ako kilala ni Jade, hindi niya alam na allergy ako sa sunflowers. Buti pa si Yoongi, alam niya.

Tumango ako sa kanya, imbis na hindiin ko siya pilit kong kinuha yung bulaklak saka mabilis na nilapag sa lamesa. Minsan iniisip ko, kilala pa kaya ako ni Jade. Alam niya na hindi ako mahilig sa bulaklak lalong lalo na sa sunflower dahil agad na nangangati ang buong katawan ko kapag nakakahawak non.

Pero kahit papano, natutuwa parin ako sa kanya. Kahit na ang tagal na naming hindi nag kikita at nakakapag usap ng maayos kahit papano naaalala niya pa ako.

"Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya.

"May lakad kase ako eh." Nakangiting sambit niya, taka namang kumunot ang noo ko. Eh ano kung may lakad siya? Bakit kailan sabihin niya sakin.

"So?" Takang tanong ko sa kanya.

"Pwede mo ba akong samahan?"

"Hah?" Gulat na tanong ko.

"May lakad ako, gusto ko sanang mag pasama sayo." Gusto kong matawa ng dahil sa sinabi niya.

"Bakit kailangan samahan pa kita? Paa mo ba ako?" Sakrastikong tanong ko. Ayaw kong kong maging ganto kay Jade, pero bakit kailangan pang sumama pa ako sa lakad niya?

"Kase—"

"Sinabi ko sa kanya na samahan mo siya." Napalingon ako nung marinig ko ang boses ni mama na may dalang juice.

"Samahan? May lakad ako ma." Saad ko saka inis na tumingin kay Jade. "May lakad kase ako Jade, kung gusto mo kay Shane ka nalang mag pasama." Sabi ko.

"Ako ang nag utos kay Macoy don, sinabi ko na samahan mo siya para hindi siya maboring sa biyahe niya."

"Hah? Anong tingin niyo sakin? Radio na pang patanggal ng boring kapag may biyahe." Inis na sabi ko.

"Tita, it's fine kung ayaw ni Dei—"

"Hindi." Pag puputol ni mama sa sinasabi ni Jade, really? Kinakampihan ni mama si Jade? "Wala naman lakad si Aubrey—"

"Pero ma may lakad kami ni Yoongi—"

"Kapag sinabi kong samahan mo siya, sasamahan mo siya." Pag mamatigas ni mama, hindi ako makapaniwalang nag tatalo kami ng dahil dito. "Nag kakaintindihan ba tayo Aubrey." Matigas pang dagdag niya. Inis muna akong tumingin kay Jade.

"Bahala na." Sabi ko saka sila tinalikuran at umakyat sa kwarto.

Amazing, ngayon lang kami nag talo ng ganto ni mama ng dahil pa kay Jade. Grabe, may lakad kami ni Yoongi at bawal akong malate don at baka mag wala 'yun. May laban kase sila sa basketball at pinromise ko sa kanya na pupunta ako. Kailangan ko yung tumarin.

Bwisit!!!



...


Una akong pumasok sa kotse at malakas kong sinarado ang pinto. No choice ako kundi sumama kay Jade dahil ayaw kong suwayin si mama.

Nag paalam muna si Jade kay mama na para silang mag ina sa sobrang close.

"Tse.." Napairap ako saka inis na binato saka nila ang tingin ko. Pumasok na si Jade sa kotse.

The Savage ManWhere stories live. Discover now