Prologue

270 25 7
                                    

I'm a bookworm...

Reading is my hobby.

Walang oras sa isang araw na hindi ako nagbasa ng libro. Para bang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nami-meet 'yung mga fictional character na hinahangaan ko. Hindi ako mapakali hangga't hindi ako nakapagbabasa. Ewan ko ba, sakit na yata 'to. Tipong simula umaga hanggang umaga ulit ng kinabukasan, nagbabasa pa rin ako matapos lang 'yung mga chapter ng libro. From bahay, school, byahe, name it, may dala-dala akong libro. Kung hindi man physical book, lagi ko namang dala ang phone ko para magbasa doon ng e-book.

Books are life.

Ano pa bang aasahan mo sa taong mahilig magbasa? Well, I have a collection of books. Different genres pero karamihan ay romance talaga. Gugutumin mo 'yung sarili mo at isasakripisyo ang hindi pagsama sa gala ng barkada makabili lang ng panibagong libro. Tuwing may bagong labas nga na libro 'yung paborito kong author ay binibili ko agad. Mangungutang at mangungutang talaga ako makabili lang ng libro. Kapag book sale naman, isa rin ako sa mga reader na nang h-hoard ng libro. Isang beses lang naman 'yon sa isang taon, kaya palalagpasin ko pa bang hindi makatipid sa babies ko?

Take note, libraries and bookstores are my favorite places on Earth.

I consider fictional characters as my friends and... my other-selves.

'Yung tipong mas gugustuhin mo pang makasama ang fictional characters kaysa sa mga totoong tao dito sa mundo. Minsan kasi sa kanila natin nakukuha 'yung comfort na hinahanap natin. Binibigyan nila tayo ng homey feeling kaya madalas ay wini-wish natin na sana ay totoo na lang sila. Kapag may problema ay napapasaya nila tayo. Naaaliw tayo sa mga binabasa natin at minsan nga'y nakakakuha pa ng advice unexpectedly doon sa kwento kapag relate tayo sa pinagdadaanan ng bida. At iyon ang dahilan kung bakit mahirap silang kalimutan. Minsan din naman ay nakikita natin ang mga sarili natin sa kanila, o 'di kaya'y sila 'yung mga pinapangarap natin para sa ating mga sarili. They mirror ourselves and fill what we think we lack in ourselves.

But, yes. I'm proud to be a bookworm. And the main reason why I would be happier to be in the world of someone else's story is... imposibleng magkagusto sa'kin 'yung taong gusto ko.

Kaya sa pagbabasa na lang ng libro at pakikipag-usap sa mga fictional character ko ibinubuhos ang oras ko. Napaiiyak man ako ng mga bida sa kwentong binabasa ko, at least napangingiti at napasasaya pa rin nila ako. Hindi katulad ng taong gusto ko. Ni minsan hindi man lang ako kinausap o tinignan ng matagal. Para bang ang mahal mahal ng atensyon niya. Nasa iisang classroom lang kami pero papasa na akong stranger sa kanya. 

Sa una, okay lang sa'kin. Kasi gano'n din naman 'yung mga nababasa ko. 'Yung bida, hindi pinapansin sa una ng taong gusto niya. Pero sa kalagitnaan ng kwento, doon na mangyayari 'yung pagbabago. Akala ko gano'n din 'yung amin pero sa tagal na naming pagiging magkaklase, wala. Wala pa ring character development sa kanya. Para bang lagi na lang kaming nasa prologue at hindi na umusad sa mga susunod na chapter.

But still, umaasa pa rin ako na balang araw mapansin niya ako. Na sana balang araw, umusad na 'yung chapter namin at makarating man lang kami kahit sa gitna ng kwento. 

Hmm. Pero kung aasa na nga lang ako, itodo na. So, pwede ring sana, balang araw siya naman 'yung magpakilig sa'kin at banatan ako ng mga makalaglag-pangang punchlines. 'Yung magpaparamdam ng mga paru-paro sa aking tiyan at magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako sa marathon tuwing kasama siya. Sana siya na lang 'yung maging Prince Charming ko at makita ko hanggang sa Epilogue ng aming kwento!

Ngayon pa lang kasi ako nagkagusto ng ganito. Aba, bihira na akong magkagusto sa opposite sex ko dahil sa mga fictional character na nagpataas ng standards ko. Siya lang ang bukod tanging pumantay doon.

Pero ang mahirap din sa pagiging lulong sa mga nababasa natin sa libro ay nag e-expect tayo ng mataas sa reality. As in, sobrang taas. Hindi naman siguro halata sa mga gusto kong mangyari 'no? Nag e-expect tayo ng mga imposibleng bagay o mga bagay na hanggang sa kwento na lang talaga pwedeng magkatotoo. Kagaya nga ng pag e-expect ko na magugustuhan niya rin ako katulad ng pagkakagusto ng bidang lalaki sa bidang babae sa kwentong binabasa ko.

Kapag nga may dumating na shooting star, mag wi-wish ako. It sounds childish but let's take all the means for our dreams to come true. Wala namang mawawala eh. At 'yung wish ko, syempre, ay 'yung pinaka imposibleng mangyari para worth it talaga kung sakaling matupad. 

Simple lang naman. Hindi maging isang bilyonaryo, sikat na tao, magkaroon ng unlimited supply ng libro for life---wait, pwede rin 'to. Pero kasi, aanhin ko ang pagkakaroon ng supply na libro for life kung mamamatay din naman ako. Kaya ito na lang...

Sana siya ang maging Prince Charming ko sa Fairy tale na pinapangarap ko.

A/N: I'll appreciate your votes and comments here, so please do so 🥺

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon