Chapter 4: Royal Birthday Party

119 13 0
                                    

Nakaupo ako ngayon dito sa may bench sa garden habang nagbabasa ng isang novel.

Ang sarap talaga sa pakiramdam 'pag nakapasok ka na sa ibang mundo. May mga bagay kasi na malabong mangyari sa reyalidad pero posibleng mangyari sa libro o isang kwento kaya minsan gugustuhan mong pumunta muna ng panandalian sa mundong iyon para ma-experience 'yung mga imposibleng bagay na iyon.

"Ate, may nagpapabigay po."

Nag-angat ako ng tingin sa batang nag-abot sa'kin ng isang pirasong rose.

"May nagpapabigay? Sino?"

Nginitian lang ako nu'ng bata at umalis na.

Anong trip no'n? Hay nako. Mga kabataan nga naman ngayon kung ano-anong klaseng prank ang naiisip. Marupok pa naman ako sa nga ganyan at baka maniwala talaga akong may nahumaling sa kagandahan ko. Binalik ko na lang 'yung atensyon ko sa libro at nagpatuloy na sa pagbabasa.

Grabe naman 'yung dalawang bida rito. Ang sakit nila sa bangs. Pareho namang gusto ang isa't isa ayaw pang mag-commit. Pinapahirapan lang nila mga sarili nila. 

Sobrang hirap ba talagang mag take ng risk? Ang swerte nga nila kasi hindi unrequitted 'yung mga nararamdaman nila. 

Kung ako lang talaga 'yan, wala akong sasayanging oras at panahon. Handa akong isugal ang lahat para sa taong mahal ko. Minsan ka na nga lang magmahal hindi mo pa ba ibibigay ang lahat? Mas matatakot ka pa ba sa potential pain kaysa sa happiness na puwede mong makuha in the end? Kung pinangungunahan ka ng takot, paano mo malalaman na worth it nga lahat sa huli?

Ang sarap talagang pumasok sa libro at magbida-bidahan. Pero... hindi ko rin naman sila masisisi. Hindi rin naman kasi gano'n kadali 'yon. Hindi lang naman feelings ang dapat i-consider para mag-commit. There are other factors involve. Like trust and loyalty.

Teka, bakit biglang dumilim ang paligid? Wala akong makita. Nakapiring ba ako?

"Hello?"

Wala namang sumasagot. Hindi kaya na-kidnap ako?! Ghad. Wala naman silang mapapala sa'kin.Manghihingi ba sila ng ransom? E hindi naman mayaman ang pamilya namin.Hindi kaya ibebenta nila 'yung mga lamang loob ko? Jusko. Hindi ko nga binenta 'yung kidney ko noong nag concert dito 'yung paborito kong banda tapos kukunin lang pala ng mga kumidnap sa'kin? 

Anong gagawin ko?!

"Tulong!"

Walang nakakarinig sa'kin. Patay. Naiiyak na ako. Hindi pa ako ready na magkahiwa-hiwalay 'yung mga parte ng katawan ko.

"Mama! Papa! Kuya! Tulungan niyo ako!"

Hindi pa naman ako nakapagpaalam sa kanila. Ito na ba? Ito na ba talaga ang katapusan ko? Hanggang dito na lang ba talaga ang journey ng buhay ko?

Bye, world. Thank you for the time you gave me.

Nasilaw ako sa ilaw na tumama sa mukha ko. Ito na ba 'yung heaven? Wait. Mali. May nagtanggal lang ng piring ko.

"Ashton?!"

At bakit nandito sa harap ko itong lalaking 'to?

"Anong ginagawa mo rito?"

Na-kidnap din ba siya? Or siya yung magliligtas sa'kin?!

"I made this surprise for you."

"Huh? Surprise?"

"Yeah. This."

Tinignan ko 'yung buong paligid. Punong puno ng mga makukulay na ilaw itong lugar kung nasaan kami.

May kinuha si Ashton na isang bouquet ng bulaklak.

"This is for you. I already gave the first rose earlier."

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon