Chapter 27: Marupok

54 9 0
                                    

Nandito ako ngayon sa isa sa mga hotel room kung saan inaayusan na ako ng mga make-up artist. Nakakaloka nga dahil lima silang nakapalibot sa'kin.

"Bakit namamaga ang mata niyo, Princess?" puna ng isa.

"Ah, wala lang po 'yan."

Siyempre dahil 'yon sa pag-iyak iyak ko kagabi. Pero kinalimutan ko na lang muna 'yung mga bagay na makakapagpalungkot sa'kin. Gusto ko rin kasing ma-enjoy 'yung mangyayaring party ngayon. Kaya ano naman kung hindi na nga pumunta 'yung Prinsipe? Ano naman?

Matagal-tagal din akong inayusan. Kinulot nila 'yung buhok ko at inilugay. Nilagyan din nila ako ng kumikinang na korona. Pagkatapos ay tinulungan na nila akong isuot 'yung dark red victorian gown ko na may mga itim na designs sa laylayan. Panigurado akong lalamigin na naman ako rito dahil criscross ang style ng likod ng gown. Pinagsuot din nila ako ng isang mataas na stilleto kaya good luck na lang sa'kin.

"Ayan! Tapos na. Ang perfect!"

Pinaharap nila ako sa isang malaking salamin sa harap. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Wow!"

Parang hindi ako. Ito na yata ang pinakamagandang ayos ko simula nang mapunta ako sa kwentong 'to.

"You looked perfect, Princess Tanaiah!"

"Ang ganda! Prinsesang-prinsesa!"

Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko sa mga papuri nila sa'kin.

"Thank you po."

Humarap ulit ako sa salamin at pinagmasdan ang itsura ko.

'Di nga? Ako ba talaga 'to?

"Ready na ba si Princess Tanaiah?" Pumasok si Mama. Naka-victorian dress din siya pero silver ang kulay at ayos na ayos din.

Nagulat siya nang humarap ako.

"Wow. You looked perfect, my dear." Lumapit siya sa'kin at bahagya akong niyakap.

"I can't believe that you're finally a lady, a gorgeous lady."

Napangiti ako sa sinabi niya. Nag-init ang mga mata ko nang makita ang patak ng luha sa pisngi niya.

"Bakit kayo umiiyak, Ma?"

"I'm just happy for you. We will do everything for your happiness. I love you, our princess."

Niyakap ko ulit siya. Pinipigilan kong umiyak dahil magugulo ang ayos ko.

"I love you too, Mama."

But I failed. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko.

"Oh no, don't cry. Masisira ang make-up mo. Mag re-touch ka na ulit. Hihintayin ka namin."

Ngumiti ako kay Mama at niyakap ulit siya ng huling beses. Agad naman akong dinaluhan ng mga make-up artist pagkatapos.

Nasa likod na ako ngayon ng isang malaking pinto kung saan naghihintay ang mga bisita ko. Nang binigyan na ako ng cue, bumukas na ito. Nasilaw agad ako sa mga ilaw na bumungad sa'kin. Pero nang makapag-adjust, nakita ko na nang maayos ang mga taong nakatayo at malakas na pumapalakpak sa'kin.

Napanganga ako. Hindi ko inaasahan na ganito pa rin karami ang mga bisita ko. They are all smiling at me. Red, silver, at black ang motif ng party kaya lahat sila ay naka-silver and black na royal dresses. Ako lang ang nakasuot ng pula.

At 'yung venue! Para akong nasa literal na fairy tale. Hindi ko masyadong makita ang mga detalye dahil medyo madilim ang paligid at nasa akin pa ang spotlight.

Pero ang pinaka umagaw talaga ng pansin ko ay 'yung butterflies na lumlipad sa malawak na ceiling nitong hall.

Grabe. Speechless ako sa sobrang bongga.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon