Chapter 36: Fairy Tale

54 9 0
                                    

"Saan mo ako dadalhin?"

Nagpapatianod lang ako sa kanya. Hindi pa rin mag-sink in sa'kin ang ginawa nitong Prinsipe.

"Sa kwarto ko."

"Ha?!"

Pumunta nga sa kami sa kwarto niya. Isinarado niya agad ang pinto pagkapasok namin.

"What do you want to eat?" tanong niya at nagbukas na agad ng mga counter top.

Si Ashton 'yung tipo ng tao na ang gandang bibisitahin dahil aalukin ka niya agad ng pagkain.

"Hindi ako nagugutom," sabi ko at naupo sa sofa.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. Lumapit siya sa'kin at naupo sa tabi ko.

"I didn't like what Nicole did to you," seryoso niyang sabi.

Ako rin naman, hindi nagustuhan 'yon. Ang sakit-sakit kaya. Feeling ko matatanggal ang anit ko sa sabunot niya.

Ngayon ko lang naalala ang itsura ko.

"Gulo-gulo ba buhok ko?" tanong ko habang inaayos ang buhok. Tumulong siya sa pag-aayos.

"Yeah. But you're still beautiful."

Ngumuso ako. "Pinagloloko mo naman ako. Mukha na nga akong bruha tapos maganda pa rin ako?"

Natawa siya nang mahina. Naalala ko ulit 'yung isinabatas niya kaya napatayo ako at itinuro siya.

"Seryoso ba talaga 'yung batas na ginawa mo?!"

Napangisi siya. "What do you think?"

"O gawa-gawa lang 'yon? Para tumigil si Nicole?"

"Tss. It's legit. I have a copy of it, on that drawer." Nguso niya sa drawer. Dali-dali akong pumunta doon. Nakita ko nga ang isang papel kaya binasa ko 'yon.

"Totoo nga!"

May pirma kasi ng Hari at pirma ng gumawa which is siya. Kung gano'n, alam pala ng Hari?

"Pero hindi ba't isang malaking kalokohan 'to?"

Lumapit siya sa'kin at seryoso akong tinignan.

"Hindi isang malaking kalokohan ang kaligtasan mo."

Lumayo ako nang kaunti.

"Hmm. Pero hindi ba masyado naman ang death penalty? Iyon lang yata ang batas sa Valiente na may death penalty?"

"Uh-huh. Para matakot talaga silang saktan ka."

Napaisip ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ginawan ako ng batas ni Ashton. Napatitig ako sa kanya. Nakataas pa rin ang kilay niya sa'kin.

"Hard to process?"

"Siyempre 'no. Hindi ko naman akalain na gagawa ka talaga ng batas na gano'n."

Natawa siya at patagilid akong niyakap. Ramdam ko ang matangos niyang ilong sa pisngi ko.

Hinawakan ko ang bandang likod niya nang maalala 'yung tama niya.

"Okay na ba ang sugat mo? Dapat hindi ka muna umalis ng hospital."

"I'm fine."

"Fine daw. Mamaya hindi ka pa talaga pwedeng umalis."

Makulit pa naman ang isang 'to.

"Ano? Hindi ka pa talaga pwedeng umalis 'no? Nagpumilit ka lang."

Hindi siya sumagot. Sinilip ko siya at nakitang nakapikit na ang Prinsipe.

"Tsk. Dapat nag-stay ka---"

Natawa siya nang mahina sa pisngi ko.

"I'm really fine. Stop talking, or else I'll kiss you."

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon