Chapter 2: What's Happening?

129 18 9
                                    

Walang pasok ngayon kaya nagbabasa lang ako ng libro. Pero kahit nakapasok na ako sa ibang mundo, hindi ko pa rin makalimutan 'yung nangyari kahapon.

Sinabi ko ba talagang lalayo ako?

Well, okay na rin 'yon kaysa naman ilapit ko pa nang ilapit 'yung sarili ko sa kanya. Dalawang beses na nga niyang sinabi na ayaw niya sa'kin. Hindi naman ako masokista.

Kinausap niya nga ako nang matagal pero ang sakit naman ng mga salitang binitawan niya. Siguro nga dapat itigil ko na 'yung feelings ko. Baka hindi talaga ako 'yung lead character sa kwento niya.

Mahal kita. Hindi mo lang nakikita.

Ano ba 'tong sinasabi ng bida sa binabasa ko. Aba, kung hindi makita ng taong mahal niya, e 'di ipakita niya. Mahirap naman kasing mag-assume. Aasa yung tao tapos false hope lang pala 'yung mga ipinapakita mo. Atsaka ang pagmamahal, hindi pala ipinapakita 'yan, ipinaparamdam 'yan.

Tinignan ko kung ilang page na lang 'yung libro bago matapos.

"Makabili na nga ng bago."

Gusto ko kasi may panibagong libro na ulit akong babasahin bago pa man matapos 'yung binabasa ko.

Tinignan ko 'yung wallet ko at nakitang 100 pesos na lang ang laman no'n. Agad akong kumatok sa kwarto ni Kuya.

"Pasok."

Naabutan ko siyang tutok na tutok sa kanyang laptop.

"Kuya Denver gwapo."

"What do you need?"

Grabe naman 'to. May kailangan agad?

"Hmm. Ano kasi, pwede bang maka-utang ng pambili ng libro? Promise, 'pag binigyan ako ng pera ni Papa, babayaran kita agad."

Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa laptop. Pero maya-maya ay sinulyapan niya na ako at tumayo. Kinuha niya ang kanyang wallet at inabutan ako ng pera.

"Thank you! Ikaw talaga ang pinaka the best na Kuya!"

"Ako lang naman ang Kuya mo," nakasimangot niyang sabi atsaka ginulo ang buhok ko.

Nagbihis ako at nagpunta sa mall na pinakamalapit sa amin. Agad akong dumiretso sa bookstore no'n.

Ano kayang bibilhin kong libro?

Nagpunta ako sa mga book section pero wala talaga akong makitang interesting na basahin. Hanggang sa mapunta ako sa mga fantasy na genre. Kinuha ko 'yung isang librong umagaw ng atensyon ko.

You and Me in this Fairy tale.

Ayan 'yung tittle ng book. 'Yung cover ay isang rose necklace na rose gold ang kulay. Binasa ko 'yung blurb ng story.

"Tanaiah and Ashton?!"

Wow, seriously? Kapangalan pa talaga namin 'yung lead characters?

Hindi naman masyadong common ang names namin, ah. Hmm. Baka destiny 'to? Baka kami talaga ang meant to be?

Ito na nga lang bibilhin ko.

Pagkatapos bayaran ang libro ay dumiresto na ako pauwi. Tinapos ko muna lahat ng mga assignment ko bago itinuloy 'yung librong binabasa ko kanina.

"Another happy ending," I said when I finished the book. Nag-unat unat ako.

Dahil sa panibagong kwentong natapos ko, tumaas na naman 'yung expectations ko. Aasa na naman ako na sana ako rin, magkaroon ng happy ending. At ng isang lalaking mamahalin ako katulad o higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.

Sumilip ako sa bintana at nakitang madilim na. Buong maghapon ay nagbasa lang pala ako. Umalis lang saglit nitong bumili ako ng bagong libro. Well, worth it rin naman 'yung istoryang natapos ko kasi marami akong natutunan. Romance nga pala iyon.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon