Chapter 6: Field trip

92 12 2
                                    

"Are you okay?"

"Yup," walang gana kong sagot kay Kuya habang naglalakad patungong sasakyan.

Papunta na akong school at siya ang maghahatid sa'kin. Alam kong para nang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura ko ngayon kaya tinanong na niya ako kung okay lang ba ako.

Sino ba magiging okay 'pag nakita mong suot na ng ibang babae 'yung coat na pinahiram din sa'yo ng lalaking gusto mo? Dapat ko bang ikatuwa 'yon? Para na rin niyang ipinamukha sa akin na hindi big deal 'yung pagpapahiram niya sa akin ng coat.

Hindi naman talaga.

Pero ano bang paki ko? Boyfriend ko ba 'yang si Ashton? Hindi naman 'di ba. Kaya hindi dapat ako nag-iinarte ng ganito. Pero nakakainis pa rin kasi. Dahil sa nakita ko kagabi hindi ako nakatulog nang maayos. Dinumog ng sandamakmak na thoughts 'yung utak ko. Ang lala ko pa naman mag-overthink. 'Yung overthink na ito-torture ko talaga 'yung sarili ko.

Paano kung si Ashton mismo 'yung naglagay ng coat kay Nicole? Hindi naman kasi imposibleng mangyari 'yon. Alangang 'yung prinsesa pa ang manghiram ng coat sa kanya? Hindi nakagaganda sa pride 'yon.

Hindi naman pwede na ibinato lang din ni Ashton sa kanya 'yung coat kagaya ng ginawa niya sa'kin. Masabihan pa siyang Prinsipeng walang manners. Maingat pa naman 'yon sa mga galaw niya rito lalo na't wala naman kami sa sarili naming mundo. Kami lang din naman 'yung tao doon sa may butterfly garden. Kaya nga ang sweet ng way ng pagpapahiram niya sa'kin ng coat.

Atsaka paano rin kung pagkatapos isuot ni Ashton 'yung coat sa prinsesa, nagyakapan sila? Tapos paano kung hindi lang pala sila nagyakapan kundi nag-kiss din? Tutal nasa isang mala-fairytale na lugar naman sila?

Omg. Ito 'yung selos na nakamamatay talaga.

Pero naiinis ako sa sarili ko. Maliit na bagay lang 'to pinapalaki ko pa. Atsaka ano naman kung lahat ng 'yon nangyari? May karapatan ka, Naiah, may karapatan ka? Wala 'di ba? Kaya shut up ka na lang.

Tumingin na lang ako sa bintana kung saan kita ang dinadaanan namin para mawaglit sa isipan ko ang mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip.

"Nasaan mga gamit mo?" tanong ni Kuya.

Nagtatakha kong ipinakita sa kaniya 'yung school bag ko.

"Is that all?"

"Oo?"

Bakit? May kailangan pa ba akong dalhin? Papasok lang naman ako ng school---este ng Palasyo. Pag-aaral pa rin naman ang gagawin ko roon.

Bumaba na ako ng sasakyan nang makarating kami. Kumunot ang noo ko nang makitang may mga lima mahigit na bus sa harap ng Palasyo.

"Call me if you need something. Just stick around with your friends. But do you want me to ask Prince Daryl to look for you?"

"Ha?"

"Nevermind. Alam kong kaya mo na ang sarili mo." Ngumiti siya.

Ano bang sinasabi no'n ni Kuya? Mag-aaral lang naman ako. Parang hindi na ko uuwi sa bahay kung makapagbilin.

"Princess Tanaiah!!!"

Lumingon ako sa tumawag sa'kin na parang wala nang bukas. Nakakaloka talaga 'tong si Andrea. Kung makasigaw parang kaming dalawa lang ang tao rito. E 'di ayon, hindi lang tuloy ako ang lumingon sa kaniya.

"Hanep ang energy natin ah."

"Syempre naman. Excited na ako sa field trip natin. Let's get it on!"

"Ha? Anong field trip?"

"Ha? Anong 'anong field trip?'"

"Anong sinasabi mong fieldtrip natin?"

"Are you kidding me? Today is our field trip!"

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon