Chapter 20: My Prince

45 9 0
                                    

Binuhat ni Ashton si Nicole. Ni hindi niya ako nagawang tapunan ng tingin.

Ang mga tao sa paligid naman, gano'n pa rin ang tingin sa'kin, na para bang tinulak ko talaga ang Prinsesa nila. Maski ang Mama ni Ashton na pababa ng stage. Narinig niya rin siguro 'yung sinabi ni Niesel.

Tahimik akong umalis doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi maalis sa isip ko kung paano nila ako tignan.

Kahit naman naiinis ako kay Nicole, hindi ko siya magagawang itulak. Hindi ako gano'n kababaw na tao para manakit dahil lang naiinis ako. At bakit naman ako pagbibintangan ng gano'n ni Niesel?

Naglakad ako pabalik sa loob ng palasyo. Sinubukan kong tawagan si Andrea pero hindi siya sumasagot. Naiiyak na ako. Hindi ako mababaw na tao pero first time kong mapagbintangang nanakit ng kapwa.

Nang maramdaman ang luha ko ay agad akong umupo sa pinakamalapit na bench na nakita ko.

Ang ikinasasama pa ng loob ko ngayon ay hindi man lang ako nagawang pansinin kanina ni Ashton. Busy siyang buhatin ang Prinsesa. Pero naiintindihan ko naman. Bakit nga naman niya ako papansinin, e hindi naman ako 'yung nadapa, hindi naman ako 'yung nasaktan.

Si Daryl din, siguro naniniwala talaga siya na itinulak ko si Nicole dahil alam niyang naiinis ako kanina.

Natawa na lang ako sa nangyari. Oo, para na akong baliw dito na tumatawa habang lumuluha.

Tinawagan ko si Kuya. Gusto ko na lang umuwi ngayon. Nalaman ko na nandito rin pala siya sa Palasyo kaya agad niya akong napuntahan. Nagtakha lang ako nang makitang kasama niya si Andrea.

"Anong nangyari, Princess Tanaiah? Tapos na ba ang mga laro?"

Umiling ako sa kaibigan. "N-Nadapa si Princess Nicole habang tumatakbo sa field kaya---"

Hindi na niya ako pinatapos at agad nang kumaripas ng takbo. Nagtatakha namin siyang tinanaw palayo.

Nilingon agad ako ni Kuya. "Are you okay?"

Nang makita ang nag-aalala niyang mga mata ay nagbagsakan na naman ang mga luha ko. Niyakap ko siya at humagulgol.
Tahimik niyang tinapik-tapik ang likod ko.

Gusto kong mainis sa sarili ko kasi... ano naman? Ano naman kung tingin ng mga tao rito na ginawa ko nga 'yon? Hindi naman talaga ito ang mundo ko kaya dapat wala na akong pakialam sa iisipin nila.

Nang medyo kumalma ay nilayo ako ni Kuya at iniharap sa kanya.

"What happened?"

"I-Iniisip nila na tinulak ko si Nicole kahit aksidenteng nadapa lang naman talaga siya."

Para akong batang maliit na nagsusumbong.

"Of course, you wouldn't do that."

Syempre. Hinding-hindi ko magagawang manakit ng kapwa.

"Let's go home."

Naglakad na kami palabas ng Palasyo. Pero bago makalabas ay hinarang kami ng isang royal guard.

"Princess Tanaiah, pinapatawag po kayo ng Reyna."

Nanlaki ang mata ko.

"Bakit daw po?"

"Dahil po sa nangyari kay Princess Nicole."

Tinignan ko si Kuya.

"I'll go with you."

Talaga bang naniniwala ang Reyna na tinulak ko si Nicole? At kailangang ipatawag pa ako?

Pumunta kami sa meeting hall. Pinagbuksan kami ng royal guard doon ng pinto.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon