"Don't move," sabi niya at sinilip kung wala na bang tao.
Nang masiguro niyang kami na nga lang ang tao rito sa hall ay inalis na niya ang pagkakatakip sa bibig ko. Pagkaalis namin sa pinagtataguan namin ay tinapunan ko agad siya ng masamang tingin.
"Ano bang trip mo?! Sinabi ko na ngang iiwas na ako kaya pwede ba!"
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso pagkatapos ay seryosong tinitigan.
Pwede bang kiligin? Kahit ngayon lang?
"Look, Tanaiah, we are not in our world."
"Ha?"
"Have you noticed? This doesn't seem right."
"Ang alin?" Naguguluhan na ako rito sa lalaking 'to ah.
"Aish. Anong napansin mong kakaiba?"
Napaisip naman ako ro'n kasi simula kanina lahat ay kakaiba. Kaunti na nga lang at iisipin kong nababaliw na ako.
"Tinatawag nila akong Princess."
Isa talaga 'yon sa mga issue ko.
"Atsaka parang may iba sa pamilya ko," dagdag ko pa. "Maski sa kaibigan kong si Andrea parang may nagbago. Para ngang wala ako sa Earth. 'Pag nagtatanong naman ako, tingin nila naka-drugs ako at mga out of this world 'yung tinatanong ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangang naka-costume kami ngayon at ikaw, tignan mo naka-costume din. At isa pa, kaunti na lang talaga mapapaniwala na nila akong mga Hari at Reyna 'yung kanina. Paano ba naman kasi, totoong-totoo 'yung mga crown nila. Wait, bakit nga pala nandito ka?"
"Anong nangyari bago ka mapunta rito? I mean, bago mo napansing may nagbago?"
Psh. Hindi man lang niya pinansin 'yung tanong ko.
Seryosong-seryoso ang tingin niya sa akin ngayon. Napaisip naman ako sa tanong niya.
"Pagkagising ko mula kanina, doon ko na napansin 'yung mga pagbabago. Alam mo ba, nanaginip nga ako. Nagbabasa lang ako ng libro tapos maya-maya may dumaang shooting star. Nag-wish ako pagkatapos bigla na lang umikot 'yung paligid at napuno ng mga makukulay na star. Para din akong hinigop pataas. Come to think of it, parang totoo talaga 'yon pero buti na lang nagising ako."
Kinwento ko sa kanya 'yung napanaginipan ko kahit alam kong hindi naman siya interesado. Pero kakaiba kasi, e. Parang nangyari talaga.
"Book? What book is that?"
Bakit niya tinatanong?
"You and Me in this Fairytale."
Napansin ko 'yung naging reaksyon niya. Para bang naliwanagan na siya sa lahat ng mga nangyayari.
"Anong meron?" tanong ko. Usong i-share sa'kin.
"Nasa libro tayo."
"Ano? Pakiulit?" Ano raw? Nabingi ba ako?
"We are in a story."
Ha?
"Wait. Last na, ano ulit?"
Bumuntong hininga siya atsaka ulit kinumpirma ang sinabi niya kanina.
"Sabi ko nasa libro tayo. We are in a story. Like a fairy tale story."
Seryoso ba talaga?!
"Sabi mo nag-wish ka roon sa shooting star, what did you wish, then?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Bakit niya tinatanong?
"Wala ka na roon. Hindi ko sasabihin kasi baka mamaya hindi pa matupad 'yung wish ko."
Hindi ko sasabihin dahil nakakahiya. Sinabi ko na ngang iiwas ako tapos nag-wish pa ko ng gano'n. Isipin pa nito na patay na patay ako sa kanya kahit slight lang naman.
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...