Chapter 1: Fine

224 18 9
                                    

"Bye, Ma! Alis na po kami!"

"Ingat kayo! Umuwi agad nang maaga, ah!"

Panibagong araw. Panibagong araw na naman para pumasok sa school. Panibagong araw para makita siya. Panibagong araw para umasa at masaktan.

Grabe, umagang-umaga nagdadrama.

"Kuya, may tanong ako."

Kasabay ko sa paglalakad si Kuya. Walking distance lang naman ang school mula sa bahay. Sinara ko muna ang librong binabasa ko at nilagyan ng bookmark 'yung current page at nilingon siya. Nasa senior grade na si Kuya Denver, ako ay Grade 10 student pa lang.

"What?"

Nag-aalangan ako kung itatanong ko ba sa kanya kasi baka mamaya kung ano isipin nito. Pero sige na nga. Si Kuya naman 'yan.

"Anong gagawin mo kung hindi ka pinapansin ng taong gusto mo?"

Tinignan ko 'yung naging reaksyon niya sa tanong ko. Kumunot ang kanyang noo. Maya-maya ay nilingon niya ako at umiling-iling.

"It's hard to answer that. Never pa naman akong hindi pinansin ng taong gusto ko. At sila pa nga ang unang nagkakagusto sa'kin bago ako."

Tinignan ko siya nang masama. Akala ko naman may makukuha akong matinong sagot dito. Pero sabagay, mukhang totoo naman 'yung sinabi niya. Grabe rin kasi karisma nito sa mga babae. Siya pa 'yung unang nagugustuhan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit.

"'Di ba dapat ikaw nakakaalam niyan? Nababasa mo 'yan sa libro," sabi niya.

"I know right. Though may mga nababasa na nga akong ginagawa ng mga bida para mapansin sila ng taong gusto nila, gusto ko pa ring malaman ang opinyon mo."

"Doon ka magtanong sa taong 'di pinapansin ng crush nila. Not me. Kasi alam mo naman kung gaano ako ka-gwapo, 'di ba?"

At talaga nga namang nagbuhat pa siya ng sariling bangko.

"Oo na lang. 'Di ko nga alam kung bakit ang daming nagkakagusto sa'yo. Hindi ko nga makita kung saan diyan 'yung sinasabi mong gwapo."

"Are you saying that I'm hideous? Kung gano'n, pangit ka rin kasi you're my sister." At tinawanan niya ako.

"Hindi. Ikaw lang 'yon kasi maganda ako."

"Really? O bakit hindi ka pinapansin ng crush mo kung maganda ka?"

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Gano'n pala 'yon? Hindi ako maganda kaya hindi niya ko pinapansin? Siguro nga. Sino ba naman ako? Walang-wala nga ako sa mga schoolmate ko na ang gaganda at ang kikinis ng kutis. Para bang alagang-alaga ng dermatologist 'yung mga balat nila.

"I'm just kidding. Maganda ka kasi nasa genes na natin 'yan." Tinignan niya ako nang naninimbang.

Ngumiti na lang ako nang pilit. Bakit gano'n? Pinagpala naman siya ng magandang mukha. Magaganda rin naman 'yung parents namin. Pero ako, bakit hindi gano'n kaganda? 'Di kaya ampon lang ako?

"Is it Ashton?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. More on like statement na rin at hinahanapan niya lang ng confirmation.

"Hindi ah! Ako magkakagusto kay Ashton?! Never!" sabi ko at umiling-iling pa.

"You're too obvious. You know what, bukod kasi sa'kin, si Ashton lang naman 'yung pinagkakandarapaan ng mga babae sa school. But still, mas lamang pa rin ako. Nu'ng isang araw din ay hiniram ko 'yung phone mo, nakalimutan mo yatang wallpaper mo siya."

Nakita niya pala yung stolen shot ni Ashton na wallpaper ko.

"And that's the usual type ng mga bookworm at hopeless romantic na kagaya mo, 'di ba? Mala-fictional character ang datingan, parang ako."

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon