Kausap namin si Papa nang biglang mag-ring ang cellphone ko.
"Wait lang po." Paalam ko at tumayo para sagutin ang tawag ng Prinsipe.
"Where are you?"
"Nandito ako kay Papa. Bumisita kami. Bakit?"
"I'm here at the rest house."
"Oh? Bakit ka nandiyan?"
"Tss. Of course, to see you."
Napangiti ako. "Mamaya pa kami uuwi eh."
"It's okay." Natahimik siya saglit.
"Napanuod mo ba 'yung interview kanina?""Yup. Pero may mas maganda akong napanuod." Ngumisi ako.
"What is it?"
"'Yung eksena sa Market kanina. May nag s-shooting yata roon. I wonder kung anong title ng palabas"
"Tss. You were there."
Humalakhak ako.
"Anong ginagawa mo roon?"
"I was buying some fruits. Agaw pansin 'yung mga royal guard. Nandoon pala kayo."
"Seems like the Princesses are fighting over you," dagdag ko pa at muling tumawa.
"But a Princess got me already."
Natigilan ako roon at nagtaas ng kilay. Alam kong nakangiti na siya ngayon dahil sa biglang pagtahimik ko.
"Ewan ko sa'yo."
Pero tama nga naman siya. Away-away pa sila, e sa'kin na nga ang Prinsipe.
Bago natapos ang tawag ay sinabi niyang babalik na lang daw siya bukas. Baka kasi magtagal din kami rito.
Pinagtaasan ako ng kilay ni Kuya nang bumalik ako sa kanila nang may malaking ngiti sa labi.
Kinaumagahan, nagising ako sa tunog ng cellphone ko. May nag-text pero number lang ang nakalagay.
Unknown number:
Tanaiah, it's me, Ashton. This is my new number. Can you meet me on the avenue near the Market now?
Napakunot ang noo ko.
Tanaiah:
Bakit ka nagpalit ng number?Tanaiah:
Sige, I'll see you there later. Kagigising ko lang.Naghanda ako para puntahan siya. Pagkarating ko roon, wala naman akong Prinsipeng nadatnan.
"Nasaan kaya 'yon?" Luminga-linga ako sa paligid. Walang masyadong tao rito kaya hindi ko sure kung ito ba ang tinutukoy ni Ashton.
Pagkatalikod ko ay nagulat ako dahil may biglang nagtakip ng bibig ko. Sisigaw pa sana ako pero unti-unti na akong nahilo.
Sinubukan kong idilat ang mga mata ko. Nahirapan ako dahil medyo nahihilo pa ako sa amoy ng kung ano.
Naaninag ko ang tatlong lalaking medyo malayo sa kinaroroonan ko. Sinubukan kong tumayo pero laking gulat ko dahil nakatali pala ang mga paa't kamay ko. Ginapangan agad ako ng takot. Gusto kong sumigaw ng tulong pero natatakot akong maalarma ang tatlong lalaki.
Hindi ako makapag-isip nang maayos. Unti-unti nang namuo ang mga luha ko.
Nasaan ba 'ko? Bakit nila ako dinala rito? Anong gagawin nila sa'kin?
Sobra-sobra ang kaba ko. Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang lumingon ang isa sa mga lalaki sa'kin. Nakita niyang may malay na ako kaya napangiti siya. Tinawag niya ang dalawa niyang kasama.
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...